malditang anak

Hello po,.. tatlo po anak ko at ung panganay ko ay babae, lage po kamig nag aaway at lage ko po syang napapalo dahil matigas at laging sumasagot sagot pag pinapangaralan ko, minsan napapaiyak nalang ako dahil sa sobra kung palo sa kanya, kaya ngayon sa bahay na lola niya ngayon siya tumira, magkatabi lng po bahay namin ng mama ko, parang ang layo po ng loob niya sa akin, alam kong ako ang mali minsan po nasabi ko rin sa kanya na mawala nlng siya sa buhay ko dahil siya ang dahilan ng paghinto ko sa pag aaral,.. ano po ba dapat kong gawin mga moms, sobrang miss ko na po anak ko..

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nalukungkot naman po ako sa situation nyo mommy. ๐Ÿ˜” pero hindi pa huli ang lahat kausapin mo po anak nyo po, huwag niyo po hayaan patagalin yung ganyang set up po. Ako rin po napapalo ko yung anak ko mnsan grabe dn ako mnsan mamalo pero nakokonsensya dn ako kaya pag okay nako at okay na sya kinakausap ko siya tinatnong ko saknya bkit ko siya pinalo? Kung anu ginawa nya bkit ako nagalit tas ayun bati na kami. Kikiss ko siya. Kaya khit saming magasawa ako yung laging namamalo mas malapit loob nya sakn kesa sa daddhie nya.. Share ko lng mommy bka makatulong po ung experience ko po sa anak ko. Kausapin niyo po para magkaintndhan po kayo. Anak nyo po yan wag nyo po tiisin. Yun lng po. God bless po! ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa