Advice please?

Hello po. Sobrang naiinis na ako sa partner ko at pamilya niya :( ganito po kasi yun, nag simula nung nangielam tita niya nung buntis pa po ako. 37 weeks pregnant na ako pinapalipat pa kami ng OB kasi wala raw kami pera ng partner ko. Di niya alam na SASAGUTIN NG TATAY KO YUNG BILL, pero akala niya siguro mahirap lang kami. Na CS po ako dahil dun kasi pinerahan kami ng kakilala nila na OB. For normal delivery po ako, tapos once lang ako nakacheck up sa OB na yun, tapos CS na raw kasi 37 weeks na ako tapos di pa raw open cervix ko kaya naka 100k tuloy kami nun. Nakakainis kaya nasabihan ko ng BOBO tita niya pero hindi ko mismo sinabi sa tita, sinabi ko lang sa partner ko tapos nagaumbog partner ko sa nanay niya. Tapos etong nanay niya, grabe po manlait. Nagstay kasi kami sakanila ng 2 weeks after ko manganak para sana may may assist sakin kasi nakabukod kami ng partner ko at wala pa yaya. Alam niyo po ba na kakapanganak ko lang tapos masakit pa tahi ko, tapos sasabihin sa partnee ko na TAMAD daw ako at di gumagalaw sa position ko. Pero GRABE lang, di naman ako tinulungan mag alaga ng bata. Kaya kahit masakit, tumatayo talaga ako. 4 days pa lang, nakakatayo, yuko at lakad ako kasi wala naman tumulong sakin dun, sana di na lang kami nagstay sa nanay niya. Tapos mga mamsh, nilalait suot ko. Malamang nasa bahay lang, kaya naka pambahay. 5 months na anak ko tas malalaman ko sinasabi sa partner ko na mukha lang naman akong katulong ng baby ko. Bago ko raw bihisan ng magaganda anak ko, ayusin ko raw sarili ko kasi mukha akong yaya. Unang una, masyado na akong busy sa anak ko para isipin pa na magpaganda. Eto namang kasama ko, feeling pogi amp. Pag lumalabas daw kami eh mukha akong yaya kasi halata naman daw na anak niya. Fyi ako naman kamukha nung anak ko di lang nila matanggap. Masyado sila mapanglait. :( Gusto ko na pakamatay!

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung ako Yan tutal walang bayag yang Asawa mo walang kwenta sorry for the word pero sa pagkakabasa ko walang kwenta yang Asawa mo, never ako nagpayo na iwan Ang Asawa, lagi ko sinasabi na ipaglaban o ayusin hanggat kaya, pero sa style Ng Asawa mo, Hindi nakakapanghinayang iwanan at ilayo Ang anak mo baka Kasi mahawa sa kagaspangan Ng mga ugali at kawalang respeto sa pamilya. Kausapin mo warningan mo, pag di nagbago iwanan mo agad. someday may darating na magpapahalaga sayo ano man Ang hitsura o kalagayan mo. Anong klaseng asawa Yan kasura! gigil much ako.

Magbasa pa