Advice please?

Hello po. Sobrang naiinis na ako sa partner ko at pamilya niya :( ganito po kasi yun, nag simula nung nangielam tita niya nung buntis pa po ako. 37 weeks pregnant na ako pinapalipat pa kami ng OB kasi wala raw kami pera ng partner ko. Di niya alam na SASAGUTIN NG TATAY KO YUNG BILL, pero akala niya siguro mahirap lang kami. Na CS po ako dahil dun kasi pinerahan kami ng kakilala nila na OB. For normal delivery po ako, tapos once lang ako nakacheck up sa OB na yun, tapos CS na raw kasi 37 weeks na ako tapos di pa raw open cervix ko kaya naka 100k tuloy kami nun. Nakakainis kaya nasabihan ko ng BOBO tita niya pero hindi ko mismo sinabi sa tita, sinabi ko lang sa partner ko tapos nagaumbog partner ko sa nanay niya. Tapos etong nanay niya, grabe po manlait. Nagstay kasi kami sakanila ng 2 weeks after ko manganak para sana may may assist sakin kasi nakabukod kami ng partner ko at wala pa yaya. Alam niyo po ba na kakapanganak ko lang tapos masakit pa tahi ko, tapos sasabihin sa partnee ko na TAMAD daw ako at di gumagalaw sa position ko. Pero GRABE lang, di naman ako tinulungan mag alaga ng bata. Kaya kahit masakit, tumatayo talaga ako. 4 days pa lang, nakakatayo, yuko at lakad ako kasi wala naman tumulong sakin dun, sana di na lang kami nagstay sa nanay niya. Tapos mga mamsh, nilalait suot ko. Malamang nasa bahay lang, kaya naka pambahay. 5 months na anak ko tas malalaman ko sinasabi sa partner ko na mukha lang naman akong katulong ng baby ko. Bago ko raw bihisan ng magaganda anak ko, ayusin ko raw sarili ko kasi mukha akong yaya. Unang una, masyado na akong busy sa anak ko para isipin pa na magpaganda. Eto namang kasama ko, feeling pogi amp. Pag lumalabas daw kami eh mukha akong yaya kasi halata naman daw na anak niya. Fyi ako naman kamukha nung anak ko di lang nila matanggap. Masyado sila mapanglait. :( Gusto ko na pakamatay!

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kasal ba? if hndi iwan mo na momsh kaya mo naman buhayin ung bata mag isa. di sya deserving maging ama ng anak mo kung di ka man lang nya marespeto at di ka nya alam mahalin ng tama.

VIP Member

naku mamshie pasalamat nga ung partner mu kc inuuna mung ayusan/suotan ng magandang damit kesa unahin ang sarili tas pabayaan ang baby.BOBO ata yang partner mu ee .No Opened po

momsh ,kung kaya nyong bumukod na ... try nyong bumukod na. Mahirap talaga pag ganyan. Gusto kong mainis sa partner mo. basta wag mong pabyaan sarili mo momsh

ang toxic ng ganyang lalake kung ako sayo iwan mo na para magka peace of mind kana 👍

Yung partner mong sumbungero. Hahaha.. 😁 Prayers for you mommy. 😇

feeling ko mga bata pa kayo

kasura lang sila noh.