Nauntog
Hi po. Share ko lang po yung karanasan ko mommies. Tatlong beses na po kasi nauuntog baby ko. Nung una po 4months sya nahulogpo sa kama pero mababa lang naman po kasi nasa sahig po yung kutson. Pangalawa po ngayon lang po 5months 21days po sya sa kama na naman and kanina pong hapon lang nakahiga kami naglatag lang po ako ng play mat at comforter tas bigla nya po nginudngod yung mukha nya so parang nabagsak po nya yung face nya. Nag aalala po ako pero sabi naman po talagang dumadaan ang babies sa mga ganung stage lalo po ngayon na naglilikot na sila. Kayo po ba mommies? Nauntog or nahulog na po ba si lo nyo? Nakakasad lang kasi parang ang pabaya kong nanay ??
Yung panganay ko nung baby sya nahulog sa kama mataas kama namin kea galit na galit ako sa papa nya kasi sya ang nagbabantay nung time na un dahil naglilinis ako bahay. Second ko never nauntog or nahulog. Itong third nauntog naman sa screen na pinto kasama talaga sa mga baby ang ganyan pero hanggat maiiwasan, iwasan natin mauntog kasi ulo un delikado din
Magbasa pa