Very sensitive emotionally

Hello po share ko lang experience ko while pregnant. napapansin ko kasi very sensitive ako emotionally and mabilis mag init ulo ko sa partner ko, konting kibot nya na nag trigger sakin nagagalit ako sa kanya. Minsan naawa ako sa kanya pero minsan din sumasama loob ko sa kanya kasi palaging ubos agad pasensya nya sakin. like one time naglaba sya tapos nung nagsasampay na medyo nainis ako kasi hindi ayos pagkaka hanger ng damit, tapos nainis sya sakin at medyo tumaas tono ng boses nya. pag napupuno sya sakin ganon ang nangyayare, and ending napapaiyak ako ng di ko mapigilan. ano kayang pwede kong gawin? naiisip ko minsan maging cold nalang sa kanya tutal lagi lang naman nauubos pasensya nya sakin. πŸ˜”

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Irregular po kasi hormones natin during pregnancy kaya we usually have unreasonable thoughts and emotions. Mainam po na maipaliwanag nyo ito sa partner nyo so that he'll be more understanding and not take it personally. At the same time, be mindful of your actions na lang din po. Kung talagang hindi macontrol ang ating wrong reactions, we should at least be mature and humble enough to apologize after we realize our mistakes ☺️

Magbasa pa