End of story
Hi mga mamsh! Pa drama po sa inyo. 33 weeks and 6 days na po akong preggy. Kanina kasi pag uwi ko naasar lang ako kasi mga reply nya sakin parang walang ka kwenta kwenta like "ingat kayo" "okay sige" di tulad noon na "ingat kayo mahal ni baby" "okay po mahal" yung bawat words may mahal na naka indicate. So yun naasar ako kasi nagseselos ako sa pinsan ko na babae na tuwing nandyan sya lagi ganyan ang mood nya sa akin. Nakakaasar lang! Pero pag wala naman pinsan ko na babae sweet sya sakin, everytime na uuwi ako galing work inaabangan nya ko sa gate para alalayan kasi madilim sa daanan namin pag pasok ng gate. Then eto medyo nainis lang ako ah kaya dinabog ko helmet na hawak ko at bag ko! Nainis ako kasi yung mga chat nya sakin ganon lang tapos di manlang nya ako sinalubong sa gate kanina kasi andyan pala pinsan ko na babae sa tabi lang naman sila ng bahay namin nakatira kasama nya mga ate at kuya ko, nakabukod kami sa parents namin. Kaya ayun di ako nagsasalita pumasok ng bahay at kumain lang ako, ang nakakainis tinatanong ako ng tatay ng anak ko kung ano daw problema ko, di ako naimik kasi pag naiinis ako di ako nagsasalita mga mamsh! Tapos eto na nga di ko alam bat parang sya pa galit? Yung tipong minura nya pa ako ng "p*tang*na" tapos nagdadabog sya di ko alam bat sya ganun magreact nung di ko sya pinapansin. At ngayon mga mamsh di ko alam bat sya biglang naglayas sa sobrang inis nya sakin naglayas po sya dinala nya mga damit nya at di ko alam kung saan pumunta? Is it normal sa isang lalaki na di manlang nya ako i ask ng mabuti if what happened kung ano problema pwede pag usapan. Hindi yung tinataasan nya ko ng boses kung ano problema ko? With badwords and pagwawala tapos bigla syang lalayas. Take note nananahimik lang ako at di nakibo tapos sya galit na galit sigaw ng sigaw. Bat po kaya ganun? #advicepls #1stimemom at ngayon po eto mag isa ako sa nirerent namin na bahay godbless po sakin. Di ko ma imagine iniwan nya kami ni baby mag isa ngayon gabing gabi na. Pray for me and my baby na wala sana mangyari samin.