

Hi mommies! Bat kaya kung kelan tumatanda na ang tao saka nagiging gala. Haha Share ko lang. Okay naman kami ng MIL. Mabait siya. May times lang talaga na nakakainis. I'm a exclusive full time breastfeeding mom, as in exclusive na di talaga ako ng bottle-feed sa baby ko ever since. At struggle ko talaga magpabreastfeed sakanya sa labas kasi maya't maya siya magdedede sakin at nagwawala siya kapag di siya nakakadodo. Actually, dakilang tambay nga kami ng lactation area sa malls kapag nalabas kami. Ngayon, naiinis ako kasi yung MIL ko kung kelan tumanda saka naging gala. Maya't maya magaaya "SM naman tayo" o kaya "SNR naman tayo" kahit na walang gagawin o bibilhin or kahit na kakaSM or grocery lang nagaaya siya dahil nabobored daw siya sa bahay. Okay lang naman sakin lumabas walang problema sakin pero wag naman yung aaraw arawin. Ginawa na kasi niyang bahay ang SM sa boredom niya. Buti sana kung kaya pa niya e hindi e. Senior na din kasi siya kaya need na niya alalayan kapag umaalis. E may baby pa ko 1 year old palang kaya struggle din ako sa labas. Di ko din maenjoy kasi saglit palang kami nagiikot e ppunta na kami agad ng baby ko sa lactation room para magpadodo at dun na kami tatambay habang sila naggagala sa mall. Kaya inaway ko talaga si hubby na pag sabihan mama niya kasi buti sana kung may katulong ako magbuhat (though katulong ko naman si hubby kaso naawa naman ako pag puro sakanya yung mabibigat na task or kay baby tas alalayan pa niya mama niya) may kabigatan na din kasi yung anak ko at may scoliosis ako kaya di ako pwede magbuhat ng mabigat. Ayoko din naman iasa lagi kay hubby pagbubuhat kay baby dahil mabigat nga. Actually tinry namin si baby sa stroller pero ayaw niya mas gusto niya buhat. Kaya naiinis talaga ako kay hubby kanina at sinabi ko pagsabihan mama niya na wag puro gala buti sana kung nakakatulong siya magalaga sa bata pag nasa labas e hindi naman siya din daw dapat yung aalalayan. Okay lang naman sakin pero kasi sana makaramdam man lang. #MIL #inlaws #share
Read more

Hi mommies! I need advise! Please. Sobrang hirap ng position namin ngayon ng hubby ko. Bale ganito yun. May anak ako sa pagkadalaga, 8 years old na siya ngayon. Iniwan kami ng tatay (ex) ng anak ko nung mag 2 years old palang siya at sumama sa iba. Ngayon, itong si husband (married kami) on-going ang process namin sa adoption kasi gustong niya talagang iadopt tong panganay ko, siya na din kilalang ama ever since, di niya kasi nakilala or naalala yung biological father (ex) niya kasi nga bata palang iniwan na kami. Tapos ngayon nga on-going ang process namin sa adoption at inadvise kami na sabihin namin ang totoo sa bata kasi nga "baka" di daw maapproved yung adoption case. Pero choice pa din daw namin dahil daw kami mas nakakakilala sa bata at kami mas makakaalam ng mararamdaman niya. Should we take the risk or not? Napakasensitive kasi ng panganay ko at alam ko un kasi ako ung nanay. Kaya ngayon di ko alam gagawin. Please advise me! 😭😭😭😭 #adoption #stepparentadoption #need_help #needadviceplease
Read more



