Budget With In-Laws

Hi po. Pa-vent out po ? Na-stress ako kasi dito na samin tumira in-laws dahil daw gusto akong samahan kasi manganganak na ko. Kaso nai-stress naman po ako mga inay dahil sa budget.. Pano kasi yung hubby ko parang ayaw lumapit dun sa single niya na kapatid para humingi ng dagdag pambudget pangkain at pang gamot ng parents nila kasi di daw siya makapag commit nung nakaraan na nanghihingi yun. Iba naman kasi situation namin, manganganak ako. Nag loan kami para sa panganganak ko 2 months bago etong kabuwanan ko para ready na kami pero na kompromiso din gawa ng sa parents niya kasi nanghihingi nga kapatid niya at binayaran din namin ung lumubong utang para may maipadala sa kanila sa province noon dahil di nagpadala tong si single na kapatid kaya sabi ni hubby, sa bonus na lang daw niya kukuhain ung budget sa panganganak ko pero sa nakikita ko hindi talaga kaya ng budget namin kasi wala na ung niloan namin kaya ako na nag-adjust, sa public na lang kako ako manganganak. Pangkain pa lang namin, pinipilit ko ng i budget ung 2k sa 2 linggo kasama pamasahe namin ni eldest pagpasok sa school at pambaon niyang food sa work bukod pa ung bills at ung binabayaran pa ring utang hanggang ngaun. Ultimo ung backpay ko sa work dati wala ko nabili para kay baby namin o sa akin dahil napunta lahat sa pangangailangan ng family niya kaya nakakasama ng loob na wala akong maibigay sa mga anak ko. Tapos feeling ko ngaun, ung makukuha kong matben ang susunod na mako compromise. Btw. Nagle labor na ko for 3 days at eto lang lagi nasa isip ko ngayon ??

1 Replies

Iopen mo po yan sa asawa mo. Maganda naman intensyon nan inlaws mo kaso nga d kaya nan budget. O siguro kun ako nasa sitwasyon ipapakita ko talaga pagtitipid. Kahit puro tuyo, noodles iulam e sa wala pala e. Para alam den nila na kapos. Mahirap sabihin directly sa inlaws na kinukulang kayo e. So indirectly nalang

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles