Help Please

Hi. Any advise kung pano ko sasabihin kay hubby na baka pwede mag move out ung parents niya dito sa bahay? Natatakot kasi ako na baka mag away kami. Triny ko kasi sabihin nung nakaraan pero inunahan na niya ko na kasama pa rin daw namin parents niya even if lumipat kami ng bahay na may mas murang rent. Sa totoo lang kasi inaalala ko ung magiging budget namin sa mga susunod na araw. Sweldo niya lang sakto na samin, madalas nga kulang pa. How much more kung andito parents niya samin? We only get by for now dahil sa 13th month niya. Bigla bigla kasi umuwi dito samin dahil manganganak daw ako. Ayun, umuwi nga pero ung mga kapatid ng asawa ko, ni hindi nagbigay ng budget kahit pang pagkain lang nila, alam naman nila na manganganak ako at need namin ng pera kaya ung anjan na pera namin, naipambili ng pandagdag pagkain at meds nila. Nakapangutang pa kami para mairaos lang panganganak ko. Nagsabi naman na ung asawa ko sa mga kapatid niya, may ilang nag respond pero til now wala pa tas ung nag iisang single na kapatid niya, hindi nagrereply. Mauubos na lang 13th month niya, wala pa rin tulong galing sa mga kapatid niya. Eh dapat para yun sa needs ng mga anak namin at pandagdag ipon para makalipat kami ng bahay. Walang wala na rin kami tapos hindi pa napapa newborn screening si baby ??

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ung mga biyenan ko gustong gusto sana namin na mag stay sa amin kahit 1 week lang ung magvacation din sila kc once a year lang namin sila nakikita nasa province kc sila pero sula ung nahihiya na makitira sa mga anak nila mas gusto nila na sila mamuhay din sila ng sila lang.. Ung MIL ko hinde napakali un minsan pag pumunta sila dito sa manila para magpacheck up dito sila sa House lahat ng gamit ko pinapakialaman naghahanap ng kung ano anung malilinisan haha, walis din ng walis maaga palang gesing na at nagluluto na siya kaya minsan nahihiya ako at gumgesing nalang ako ng maaga para maunahan ko sila... Wala namang kaso sa akin hinahayaan ko nalang din kc baka hinde sanay na walang ginagawa. Mahirap makisama sa mga byenan kung hinnde mo kasundo or hinde mo tinuturing na magulang mona din sila pero once na ituring mo silang magulang at wala namang problema sa kanila dahil mabait naman sila sayo maganda rin na makakasama mo sila hinde naman kc habang panahon na makakasama natin ang mga biyenan natin isipen nalang din natin ung asawa natin na mahal din nila ung magulang nila sywmpre d din nila kaya sa kunsensiya nila na pabayaan ang kanilang mga magulang.. But again depende sa situation niyo un.

Magbasa pa

Actually mahirap po tlaga yan mommy.. And ang mas mahirap is ganyan na ang culture na kinalakihan naten. And bilang nanay, iniisip na naten ang future ng mga anak naten the moment na narinig naten ung heartbeat nia.. i am also sure na ayaw mong mangyari yan sakanila, yung maging dependent tayo sa kanila kapag tumanda na tayo, and sila nanaman yung mahihirap.. so what should we do to stop this from happening to our children? plan for your retirement, kumuha ka ng life insurance with investment.. did you know that as low as 60pesos a day masesecure mo na ang future ng mga anak mo.. message me and let me discuss to you how. i know you just want the best for them.. 😉

Magbasa pa

Gusto ng hubby mo na kasama parents nia kht mag rent kayo ng bahay? Ganun ba un mamsh? Kung kaya nia edi go basta hindi sia kukulangin sa needs ng mga bata. Priority nia na kamo ang mga anak nia. Yun lang mamsh di naman masama kung nagbibigay sia para sa parents nia pero sana di nababawasan ang para sa mga bata ☺

Magbasa pa
5y ago

That's the problem po. Nako compromise ung para sa mga bata. Nagpapaka bayani ata tong asawa ko eh hindi naman namin kaya sa laki ng bills namin. 😔😔