Stressful Pregnancy

Hi mga momsh! Nai-stress ako. 7 months na tiyan ko pero di pa kami nakakabili ng gamit ni baby dahil kulang kami sa budget ?? Meron lang ako ung mga lumang baru baruan ng kuya niya. Nire-raise up ko naman sa asawa ko ung mga needs ng parating namin na baby at alam kong aware siya, ramdam ko rin na stressed na siya dahil sa mga bayarin ? Tapos ngayon, nanghihingi yung kapatid niya ng pera pang dagdag budget nila kasi umuwi nga ung parents nila dito sa manila galing probinsya. Honestly, ayoko magbigay siya sa ngayon knowing na single income lang kami at need namin makaipon para sa panganganak ko pero wala pa kami maipon dahil nabaon kami sa utang sa pagpapadala sa parents niya nung di nagpadala ung kapatid niya. Ultimo, pre-natal vitamins ko nun di namin mabili kaya nakakasama ng loob tapos puro kami utang. Isa pa, binata naman yung kapatid niya at literal na lifestyle binata kaya parang ayoko talaga mag abot sana siya ngayon, unahin muna namin needs ni baby. Sobrang stressed na ko dahil wala akong maitulong sa asawa ko sa finances sa selan ng pagbubuntis ko. Madamot ba ko mga momsh? Hindi ko naman masabi sa kanya kasi family niya pa rin yun. Gusto ko lang namin ready kami sa paglabas ng baby namin. Nakakaiyak ??

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Meron pong free vitamins and tetanus toxoid sa health center makakatulong yon sa pag cut sa expenses nyo. Pwede ka rin magtahi ng damit ni baby if d kasya ung lumang baru baruhan ni baby. D mo kelangan i stress sarili mo just think all possibilities na pwedeng gawin para makaluwag luwag sa budget, d mo rin kasi masisisi asawa mo kung mgbigay ng pang gastos sa magulang ung partner mo dahil magulang nya un.

Magbasa pa
5y ago

Hi sis. Aware naman po kami dun. Malaking cut down nga po yun sa expenses. Madalas nga lamg natataon na nauubusan sila ng stock ng free vitamins.

Hiii. Di ka po madamot, sis. Tama naman yung point mo kasi syempre kailangan nyo din. Di naman po pwede diba na bigay kayo ng bigay tapos kayo naman po yung nawawalan. Kung ieexplain naman po siguro ng asawa nyo po yun sa family nya, maiintindihan naman po siguro nila yun kasi syempre priority po dapat kayo nung asawa nyo. God bless po!

Magbasa pa