Budget na may Kahati

Hi mga momsh! Palabas po ng saloobin. Ayoko po ma stress masyado kasi 31 weeks preggy na ko pero nai-stress talaga ako sa kapatid ng hubby ko. Umuwi kasi asawa ko tas nagsabi sakin na lumapit na naman daw kapatid niya sa kanya para manghingi ng alam nyo na. Medyo nai-stress na nga rin asawa ko pero di naman nya matanggihan kasi ang dinadahilan ng kapatid nya is pandagdag budget pang grocery kasi nga andito parents nila sa manila. Sabi ko kay hubby kausapin niya ung kapatid niya at sabihang magtipid, kasi kaya nga kami nagloan sa pagibig para may pandagdag funds kami sa panganganak ko at pambili ng gamit ni baby pero magkakaroon pala ng kahati, alam naman niya na malapit na kabuwanan ko at ngayon pa lang kami nakakabawi matapos magbayad ng mga utang namin dahil nagpapadala din kami sa in-laws ko. Kahit last time, nangutang si hubby ng pera para lang may maiabot sa kanya nung nanghingi siya tapos eto na naman. Nakakasama na ng loob kasi ung budget namin para sa baby namin parang mauubos na lang ng walang nangyayari. Ayoko naman po magdamot mga momsh pero gusto ko sana maintindihan din nung kapatid niya na mas nangangailangan kami ngayon lalo pa't malapit na ko manganak. Nakakaiyak.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Same situation here.. May pera sana akong tabi in case ma-CS ako pero eto ako ngayon.. Naiistress sa kakaisip paano mapapabilis labor ko para makapag-normal delivery ako. Tapos makikita ko pa nagpapasaring sister-in-law ko madami na daw sya hinanakit?? Grabe.. Ako nga dapat maghinanakit kasi wala na silang ginawa kundi pagchismisan ako tapos heto ako tumutulong ngayong nangangailangan sila. 40 weeks na ako ngaun at binigyan nalang ako hanggang 24th para manganak kundi CS ako.. Stress talaga.

Magbasa pa
VIP Member

dapat ipaintindi ng asawa mo sa kapatid nya na need nyo ang pera ok lang magbigay pero yung may importante kayo paggagamitan unfair naman yun. sabihin mo sa asawa mo kailangan nyo yun di biro manganak di mo alam mangyayari. Praying for your safe delivery sis😊