Pa Vent Out Po

Hello sainyo. Pa vent out po. Dapat ba akong mainis? Nainis po kasi ako sa sinabi ng MIL ko kanina. Bale kapapanganak ko lang po and nung time na manganganak ako is walang wala kami mag asawa dahil bigla kami nakapamili ng food supplies dahil biglang umuwi mga biyenan ko dito samin para daw may kasama ako pag bumalik na sa work si hubby. So ang ending, although sabi ko sa public na lang ako manganganak, nasa 500 pesos na lang ung pera namin sa wallet at hindi pa pumapasok ung niloan namin na 3500 kaya nanghiram kami ng 2k kay MIL just in case na kulangin kami sa mga gamit na ipapabili sa hospital. Ngaun po, pumasok na ung loan na 3500 pero mapupunta din sa food supplies dahil hindi pa nag aabot ung mga kapatid ni hubby sa pledge nila dagdag budget para sa parents niya kaya kinausap ni hubby si MIL kanina na di na muna niya mababayaran yung utang na 2k agad agad. Tapos biglang sabi sakin ni MIL, pa-casual lang naman. Na bat daw hindi ako manghingi sa daddy ko pang tulong sa panganganak ko at bigay na lang daw yun kay baby? Kasi sigurado daw na malakas kumita daddy ko kasi nagdederby. Hindi na lang ako umimik mga momsh kasi mejo inis na rin po ako. Kasi sa isip isip ko, ngaun na lang sila tutulong samin which is babayaran din naman namin, ipapasa pa sa parents ko na lagi nakaalalay samin pag walang wala kami. Hindi po ako nanghingi sa daddy ko kasi may utang pa kami sa kanya at ayaw na niya pabayaran sakin kasi manganganak na nga daw ako nung mga oras na yun kaya okay lang daw. Btw, ung inutang po namin sa kanya is para makakain lang kami ng maayos kasi nagbabayad kami ng utang dahil sa pagpapadala sa in-laws ko before. At ayoko rin po manghingi kasi dapat suportado na ko ng asawa ko, hindi na ng parents ko. Pasensya na po, napahaba. ??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap tlga may utang, mommy. Mdmi dn ako utang nuon nung dpa ako buntis, kaya nung nbuntis ako sabi ko sa hubby ko, sya muna gmastos sa bahay at mag ipon pra sa panganganak ko, ung sahod ko ipambabayad ko muna lahat sa utang ko pra pag manganak ako wla nkong utang. So sguro mga 5mos sahod ko npunta kbabayad ng utang hanggang sa maubos sila. After nun nkaipon na kami.. wla na bnbyarang utang at kaht papano nkaluwag na kaht naka Mat leave ako.. Mkakasurvive din kau dont worry.. panahon lang kelangan nyo..

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga po momsh pinipilit ko talaga na maubos lahat ng utang namin bago ako manganak. As in budgeted lahat pero bigla sila umuwi dito ng hindi kami ready kaya ung budget namin nasira kasi pati sa pagkain, toiletries, etc. namin kasama sila pero walang share sa budget. Lahat galing samin ni hubby to think na single income lang kami ngaun dahil kelangan kong mag resign sa work sa selan ng pagbubuntis ko non. Di naman po sa nagdadamot ako, ang akin lang sana may share man lang sila kahit konti pero wala po. Pati ung pledge na budget ng mga kapatid ni hubby, anong petsa na wala pa 😭😭