Lying inn para sa first baby?

Hello po ok lng po ba sa lying inn manganak kahit first baby?? Marami kasi nagsabi kahit yung ob ko na bawal na daw sa lying inn.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako gusto ko din lying in kung kakayanin ko sa lying in bakit po hindi at kung pwede kasi ftm din po ako... Pero sa ngayun sa private po muna ako nagpapacheck up di daw po kasi natanggap yung public hosp. Dito samin dahil may patient sila na meron virus.... Di ko pa tinatanong si ob kung pwede ako manganak kahit sa private lying in... Priority ko lang si baby, safety saming dalawa at siguro last na lang yung budget... Bahala na si batman sa budget pag kinulang ipon namin ni hubby si baby at ako muna pag dating ng october pero sana maging ok na lahat at mawala na din ang pandemic satinπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa
VIP Member

Hindi po pwede sa lying in ang first time mom dahil hindi pa subok ang sipit sipitan kung kayang ilabas si baby. Hospital po dapat para in case na pumangit ang kondisyon nyo mag ina, pwede mag emergency CS kesa po ung saka lang mag hahanap ng ospital na tatanggap na pag nagka aberya eh ang sisi sa hindi tumanggap na hospital. Minuto po kasi ang hinahabol pag biglang pumangit si baby sa loob habang naglalabor ka.

Magbasa pa
VIP Member

Depende po sa lying in. May lying in po na hindi tumatanggap ng manganganak na 1st baby unless meron silang OB talaga and mas mahal ang bayad halos private hospital narin ang singil. Meron naman ibang lyingnin na tumatanggap and mga midwife yung nagpapaanak which is super mura. 😊 around 2.5k-8k lang depende kung may philhealth. And kasama na dun ang bewborn screening.

Magbasa pa

Kung wala naman po problema sa pagbubuntis mo. Wala naman prob kung sa lying ka manganak. First child and second child ko sa lying lng po ako nanganak magaling din po sila pero dpat alam nila ang history mo ng pagbubuntis. Mas delikado ngayon sa mga hospital dahil sa virus na kumakalat.

depende po ksi sa health nyu mommy Kung kakayanin nyu mag lying in ako ksi sa 1st baby ko lying in din ako pero nagpacheck up din ako sa ospital para incase of emergency .. kung ok naman health mo at ni baby sasabihin namn po ng midwife or ni ob po yun .. 😊

Ayos lang yun, ako sa lying in din ako nanganak nung 1st baby ko and this August dun din ulit ako. ok naman ang treatment and safe naman kami from first up to the day na ipinanganak ko yung panganay ko. Make sure lang na philhealth accredited yung clinic.

VIP Member

May 8 nanganak po ako sa lying in and first baby ko po. Dipende po yun sa lying in kung tatanggap sila ng nanganganay . Midwife nga lang nagpaanak sakin at hindi doctor mismo . Tska dipende din po kung wala kayong asthma o kaya sakit sa puso

5y ago

Yes po pag tinahian ka may tinuturok na anesthesia .

First time mom dn ako, pero sa lying inn nanganak.. Dpat sa hospital ako since first baby nga.. Pero dahil sa pandemic ngaun, sa lying inn nlng ako nanganak bsta complete check up ka. . At normal ultrasound mo.. Tatanggapin ka nila..

5y ago

Maraming salamat sa sagot mamsh!

Lying in ako nanganak nun 20 sa baby ko. First baby ko to. Mahirap kc sa hospital dahil sa pandemic. And maganda nman sa lying in kasi aasikasuhin ka tlga niya.. and pwede mo makasama family unlike sa hospital n mag-isa ka lng.

5y ago

Hm sis npgbyaran u s lying in ilang days lng kau ngstay tnx

Mas bawal sa ospital kasi andun lahat ng sakit. Sa lyin in diba paanakan lang. Ako nga first choice ko lyin in eh. Ayaw ko sa ospital takot akp for my baby baka mahawa ng kahit anong sakit na nakukuha sa hangin.