Hospital or lying inn

FTM po ako 29weeks. Pwede pa ba ako lumipat sa lying inn? Sa private hospital kasi ako nagpapacheck up simula nalaman ko buntis ako kaya wala ako ibang record. Ngayon sabi ng partner ko lying inn nalang daw ako manganak kasi wala daw sya ipon. Pwede pa kaya ako sa lying inn? Dami ko kasi nababasa na hindi na natanggap ng FTM ang mga lying inn eh. Tapos kanina lang sabi ni OB ko mababa daw inunan ko which is baka daw mapaaga ang panganganak ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pagfirst time lalo’t may issue mas safe sa hospital sis. Isipin mo na lang din yung hassle ng pagtransfer if di pala kaya sa lying in? Yung safety mo at ni baby na lang ang isipin nyo. When i gave birth sa private din ako at di ko ineexpect kulang kulang 7k lang ang bill ko. Pwedeng kausapin nyo yung OB mo. As early as now ask her if mga magkano kaya aabutin. Be honest if di nyu kakayanin.. mababait sila. Magagawan yan ng paraan.

Magbasa pa
4y ago

Tinanong ko OB ko kanina 50k daw normal 70k CS. 7k po sa inyo lahat lahat? Pwede kaya hati hatiin payment nun? Di ko na kasi natanong kanina nagulat ako sa 50k