Breech position
Hello po normal po ba na naka breech position pden po si baby 29 weeks na po kami.. iikot pa po kaya sya???
Iikot pa po yan mamsh, try mo po mag pa tugtug ng music tas ilagay mo sa bandang puson mo pero dapat di masyado malakas, kase po sinusundan po yan ng baby e at makakatulong po na maging cephalic position yong bby mo❤️tsaka sabi ren ng mama ko iwasan daw maghakbang sa mga tali o di kaya iwasan ren yong pananahi. Pamahiin ren dw yan ng mga matatanda pero nangyare na ren yan sa tita koo.
Magbasa paiikot papo yan kase ganyan din yung case ko nung nagpa ultrasound ako 27 weeks tapos ginawa ko lang tuwing matutulog ako is naka left side tapos patugtog lang kayo yung kay mozart lagay nyo posa baba ng puson then kausapin nyo po lagi si baby
31 weeks na ako sa panganay ko nung nalaman kong breech position niya sobrang kinabhan ako kasi baka ma cs ako buti nalang umikot pa siya kausapin mo lang baby mo mommy and patugtug ka po ng mozart lullabies sa may puson banda 😊
yup. iikot pa yan. ganyan din ako mga 20 something weeks breech position. 34 weeks cephalic na. basta hindi ka lagi nakahiga. at kausapin mo lagi si baby
iikot pa po. try playing music sa belly. lagay po sa baba ng puson ang source ng sound.💙❤
Yes po. Left side lying lang po matulog lagi iikot yan mamsh
maaga pa po sis pwede pa yan