something get me jealous. FAMILY NYA OR KAMI

Hello po. Need advice lang kasi papunta na sa family. May bf po ako, 3 months palang sa 2nd work nya then sumasahod ng 4k monthly. Then ako naman preggy 7 months, dipa kami kasal. Ask ko lng po kung yong sahod nya is dapat ba ibigay sayo? At meron kasi sabi niya ibibigay nya pero pgdating ng sahod di niya rin binigay. Sahod day, di ako umimik at hinihintay ko kung ibibigay nya. Kung hindi okay lang naman. Usually kasi every sahod nya kumakain kamk sa labas ibihay man nya or hindi. Then diko kinuha sahod nya. Pinabayaan ko lng kasi sabi koo may pera naman ako. Pero may time na diko alam kung magseselos ba ako or what kasi binigyan nya nanay niya tapos ako? Hindi man lang kami kumain sa labas or nagbigay kahit piso sakin. Pero the next day, may pangpusta siya sa basketballworth 1500 at natalo yon. P.s noon, madalas ako gumagastos sa sa paglabas namin tuwing sinusundo nya ko pero nongsiya na may trabaho wala man lang suya a pakiramdam. Kung tutuosin, mas marami ako gingastos na pera ko pampacheck up kesa sa kanya. Kasi inisip ko mas malaki sahod ko kasi kako nalang.Never nga nagsabi na oh pera pampacheck up mo. Sa tingin nyo HEALTHY PA BA? Ano po maiadvice umiiyak nalang ako pag nag aaway na kami.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo siya sis . Depende kasi sa sahod yan kung 4k a month lang sahod niya kulang na kulang sa inyo yan lalo at buntis ka tapos magshare pa siya sa family niya . Si hubby kasi ganyan din. Sagot namin lahat dito sa bahay since dito kami nakatira sa kanila, pagkain, bills sa ilaw at tubig bayad sa wifi gas mineral water as in lahat . Minsan din naiinis na ako hehe pero may naitatabi pa naman kami para sa panganganak ko since nagsasahod din naman ako and mas malaki sinasahod namin kesa sa bf mo . Ipaintndi mo nalang sa kanya sis na kailangan niyo din mag ipon para sa baby niyo pag medyo malaki laki na sahod ni bf mo dun nalang siya magbigay sa parents niya and iwas nadin sana sa pustahan.

Magbasa pa