SELF-PITY

Hello po momshies...gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob at ng sadness..28 weeks preggy po ako, tapos lately lagi po akong stress dahil si mother ko maysakit at hindi ko man lang maalagaan dahil sa sobrang selan po akong magbuntis at may history na po akong miscarriage..ngayon po nadagdagan po stress ko ksi nakikita ko sa account ni mister ko at sa timeline nya yung mga posts ng mga naging ex nya,then nakikita ko na napakasuccessful nila sa buhay, ako po eh hindi po ako nakatapos pero nakatungtong ako ng college...tinatapos ko po sana kaso nabuntis naman po ako.kaya pakiramdam ko hindi para sa akin ang pag aaral,dagdag pa yung sitwasyon namin na mag asawa ngayon na hirap na hirap...halos hindi ako makakain ng 3 beses sa isang araw,problema ko pa po yung gamot at pag iinject sa nanay ko..yung mga kapatid ko naman po eh hindi ko maasahan...???lungkot na lungkot po ako,naaawa ako sa sarili ko, sa anak ko at sa nanay ko,minsan nahuhuli ko na lang po sarili ko na umiiyak ng walang dahilan...pakicheer up naman po ako...????down na down na po ako e...

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May plan si God sis. Naniniwala ako na lahat ng bagay may solution siya para satin. Kung hindi ka man nakapagtapos ngayon, or successful sila ngayon at ikaw hindi dahil nabuntis ka, dadating din yung time mo. Hindi ibig sabihin na nabuntis ka titigil na lahat ng pangarap mo para sa sarili mo, na pause lang lahat, dadating din yung time na pwede mo nang ituloy lahat ng plano mo na naudlot. Ipag pray mo lang situation mo sis.

Magbasa pa
5y ago

Salamat sa pagpapalakas mo po sis๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜God bless po sa inyo

Ate wag ka muna magsocial media kasi mastress ka sa nakikita mo. Kasi most of the time nacocompare naten sarili naten sa iba nating friends sa mga post nila..kaya ako as much as possible, di muna nagffb :) Kaya mo yan wag kang mastress.