SOBRANG HIRAP???
I am 3 months preggy po...sa bahay lang ako,ksi sobrang selan kong magbuntis at may history nako ng miscarriage..nakakainis lang ksi sobrang hirap ng sitwasyon namin, nung may work ako...okay na okay,nabibili ko gusto ko,nakakain ako kahit saan...pero magsimula nung tumigil ako sa work,ang hirap...yung mister ko,tricycle driver sya..tapos yung kita nya nasa 300-400 lang kada araw...bibili pa sya nun nung pampakapit at ibang vitamins pa,minsan pag sinwerte nakakabili sya ng prutas..nakakainis lang ksi hindi nya ako maiwanan khit magkano lang,tapos sa biyenan ko pa kami nakatira, eh ang set up dito, 10 am ang almusal tapos 2pm ang tanghalian,tapos 9:00pm ang hapunan,eh hindi ako mkaluto dahil una wala akong pambili,pangalawa,totally bed rest ako tapos yung kusina nila,kailangan mong mag effort ng bonggang bongga para makababa or makaakyat..gustong gusto kong umuwi samin,namimiss ko yung pag aalaga ng nanay ko sakin...kaya ngayon lagi akong nalilipasan ng gutom...hindi ko po alam anong gagawin ko...pakipayuhan naman po ako..
Mother goose of 2 duckies