PAKIKISAMA SA BIYENAN

Hello mga mommies! Meron ba ditong nakabukod ng bahay pero katabi lang ang biyenan? Kamusta po ang pakikisama ninyo? Gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob dito, Hirap kasi makisama sa biyenan ko. Ilang beses ko na sya noon kinausap ng masinsinan kasi gusto ko maayos pagsasama namin para sa anak nya (asawa ko na ngayon) at para rin sa ikagaganda ng pagsasama at pagtira ko sa lugar nila. Pero waley ang gara parin ng ugali. Kahit gusto ko puntahan lagi siya dun sa bahay nila para makipag kwentuhan man lang at makipag bonding diko magawa kasi nafefeel ko lagi na pag nakikita ako at pag nandon ako para lang akong invisible at parang lagi siyang iritable. 🀧 any advice naman po kung ano po bang dapat gawin? Dpaat bang hayaan ko nalang po? O dapat pong ipilit ko parin na makihalubilo sa kanya? Yung nanay lang naman po ang problema ko. Mabait po ang tatay ng asawa ko. #pleasehelp #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

advice please