SSS Maternity Benefits

Hello po mga mommy. Tanong ko lang po, mag 7 month's na preggy na po ako nag file ng MAT1 sa SSS. Last work ko po nung december pa. Hindi narin po ako agad nakapag voluntary na hulog. Pag file ko po ng maternity ko sa SSS sinabihan po ako na kahit hindi na ako mag voluntary basta kumpletohin ko lang daw po yung requirements na binigay nya saken pagka panganak ko. Tinanong lang po nya yung company ng dating employer ko. Kailangan po ba na ipaalam ko agad sa dati kong employer na mag ffile po ako ng maternity? Eto po nakalagay sa req ko. - indicate effective date of seperation - indicate whether with/without advance maternity benefit was given. -L501-latest and updated specimen signature duly received by SSS Yan lang po kasi yung hindi ko maintindihan sa requirements na binigay ng SSS. Sana po matulungan nyo po ako, Salamat po.

SSS Maternity Benefits
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag request ka po sa dating employer niyi ng CERTIFICATE OF SEPARATION, CERTIFICATE OF NON-CASH ADVANCEMENT at L501. Lahat po yan dun niyo po kukunin. Yung cert of seperation po parang COE lang din katunayan na separated na kayo sa compant may date kase dun nakalagay na dapay same month ng huling hulog ng company niyo sa sss. Yung cert of non-cash advance naman po katunayan na wala kayong nakuha or wala silang binigay na cash advance sa maternity niyo sa inyo. Sa L501 naman nakaindicate yung employer # tsaka yung mga tao na authorize pumirma sa mga forms ng sss. Sabihin niyo lang po yan sa HR niyo dati alam na po nila yan ☺

Magbasa pa
6y ago

Depende po siguro sa employer. Sakin kase nagsabi lang ako and sabi ko din need for sss kaya nagbigay sila agad. Kinuha ko na agad kase mahirap kapag nanganak ka tsaka ka maglalakad ng ibang requitements.

Related Articles