First IE Experience
hello po mga mommy gusto ko lang po mag ask sa inyo about sa experience ninyo sa IE *yung photo po na naka attach is mucus plug po na lumabas sa akin ngayong gabi lang*, I want to share narin po sainyo yung akin since first ever IE ko is kanina lang tsaka may photo po akong ipopost na medyo maselan lang. SO ETO NA NGA PO kaninang umaga po nagpunta kami sa hospital para pumila at makasama sa line up ng first batch check up for OB before po ako magpa IE ok po ang galaw ko normal naman kaya lang pag naglalakad po syempre medyo sumasakit sakit ang femfem dahil nakakaramdam ako ng parang may tumutusok tusok po sa loob, Nung natawag na po pangalan ko para ichecheck up na po sinabihan po ako ng OB GYNECOLOGIST na punta sa kabilang side ng room which is dun po gagawin yung IE at papakinggan yung Heartbeat ni baby nung nagstart na ko ma IE nung una po ok naman kaso po mukhang hirap po si doktora na makapa ang cervix ko kaya medyo diniin nya po at nafeel ko po na masakit 3cm na daw po ako🥲kanina po 12nn pag uwi namin sobrang sakit po ng puson ko dahil sa IE nakapag linis pa ko kanina kaso bandang 2:30pm po nakasalampak ako ng upo sa lapag since walang upuan dito sa bahay ng parents ni lip medyo nakakaramdam po ako na naninigas tiyan ko,masakit ang puson tsaka lower back ko. Ngayon po nagcr ako nung maghuhugas na po ako ng private part ko may nakapa akong madulas naka bungad na sya kaya hinila ko po tapos nakita ko brown na may red po kulay ng mucus plug ask ko lang mga mommy normal po ba yung ganun nagwoworry po ako, thankyou so much po sa mga sasagot🥹🥹 #pleasehelp #advicepls #firsttimemom #firstbaby #FTM
carrying rainbow baby