wakwak/aswang

hi po mga mommies, Yung kapit bahay kasi samin d alam na buntis ako tapos nasa labas ako ng bahay ng hapon naka upo tapos yung kapit bahay namn tumabi sya "Sabi nya nung nakaraang gabi dumaan ako dito nakarinig ako ng wakwak/aswang may buntis" tapos paulit ulit nya sinasabi sakin "may buntis" totoo po ba ang wakwak? o naniniwala po ba kayo dyan?

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nung first trimester ko sobrang takot ko nun konting kaluskos lang takot na ko πŸ™πŸ™ tapos sabayan pa ng mga weird na panaginip kesyo may babae na kukuha ng baby ko sa kanya daw, nakakita ako ng patay sa panaginip ko kumakaway pa sa bintana, kapitbahay namin nakakita ng pusa sa bubong namin malaki daw(dito di ako masyaso naniwala) nasa bangka ako tapos may kasama ako lalaki sa bangka kinukuha din anak ko(panaginip din) kaya everytime nagigiging ako umiiyak ako o kaya niyayakap ako ni hubbyF ko ng mahigpit tapos pinapakalma kasi umiiyak daw ako kahit tulog... Ayun kumakalma naman ako.... Ngayun 2nd trimester minsan may nakaluskos pa sa bubong namin minsan kalampag kinakabaha pero ang ginagawa ko yung radyo ng isang cp ko pinapatugtug ko nakakarelax❀..... Nanay ko naglagay po pala ng nakabaliktad na tingting sa bintana ko may dalawang pulang tela na may lamang bala at yung isang naman may bawang at konting orasyon na din...(mabuti na nag iingat kahit 2020 naπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚βœŒ) pero pinakamabisa PRAY kay Papa God po... Di talaga maiwasan minsan kabahan konti pero keribels naman... 22weeks hereπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜˜ haba na ata comment ko k byeπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa