Ang hirap ng sitwasyon ko🥺

Hello po mga mi, I am 33 years old, at 3 months akong buntis, may anak ako sa una, 13 years old na sya ngayon, buntis ako sa LIP ko, di kami pwedeng magpakasal kasi kasal sya sa una, more than 10 years na silang hiwalay ng ex nya, kasal sila pero di annulled at may anak din sila 14 years old, ewan ko ba bakit feeling ko di ako secured, kahit pera nya di ko pinapakialaman, although ginagawa naman nya lahat na maibigay sa akin mga pangangailangan ko, me pera naman at kaya nyang magpa annulled, pero ni minsan di man lang sya interesado na magpa annulled, okay naman si LIP sa akin, ang dami nyang plan, makabili ng lupa para sa bahay na balak nya, kaso minsan nasasagi sa isip ko di naman kami magiging parte ng mga plano nya o di mapupunta sa anak ko kasi kasal sya, syempre ako bilang ina gusto ko isecure yung kinabukasan ng anak ko kahit di na ako kasali basta ang anak ko lang , iniisip ko future nya🥺 minsan naisip ko gusto ko na lang mag abroad after ko manganak kasi alam ko don mabibigyan ko future mga anak ko🥺Di ko alam mga mi, kung tama ba to o dapat support ko na lang si LIP ko, Advice naman po para mahimasmasan utak ko kakaisip po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap po kasi sitwasyon mo mi, kung legal ang pag uusapan wala ka po talagang laban. at kung saka sakali lang na makapundar ang LIP mo ng kahit ano tulad ng bahay, lupa o sasakyan. conjugal property o paghahatian pa din po yan ng dati nyang asawa. at pinaka mahirap po niyan e ang mana mapupunta pa din sa tunay na anak at asawa, kung ang magiging anak mo ay kikilalanin o tatanggapin nya (legal) may pirma sa birthcertificate. may karapatan din po sya sa mamanahin, pero 50% lang po. so yun nga kung security sa fund at kinabukasan ng baby mo. dehado ka po talaga. at ang alam ko matagal po ang proseso ng annulment case dito sa pinas bibilang ka pa ng ilan taon. If I were you, di ako dedepende sa LIP. be independent as you can, mag negosyo ka muna o kaya work basta may sarili kang income. makakaya mo yan!

Magbasa pa
2y ago

Thank you mi, salamat sa advice po.