*My biggest fear in my life*
Hello po magandang gabi po sa lahat,may iishare lang po ako tungkol sa husband at sa akin po. Mag ddalwa na po ang anak q puro lalaki tapos manganganak po ako sa susunod po na araw January 3 CS po .Ako po ay pilipina, halata namn kc nagttagalog at yung patner q ay koreano po, worried lang po talga ako kc po may nabasa po ako between sa byanan at husband q , sabi po doon sa conversation nilang dalawa is lilipad daw yung anak q at ang husband patungo korea na wala ako. At manganganak na ako sa January at hinihintay na lamang ang paglabas ng bb ko ? Actually po, tapos na po ako kumuha ng CFO certificate which is kailangan at isa mga requirements na pang Visa to korea, So On process na din po yung visa q sa anak ko na 2 years old. So paglabas ng second bb q automatic na po gawan siya ng korean passport at visa so wala ng poproblimahin doon. Okay, dahil on process na yung visa q at sa anak q nag woworied lang ako sa nabasa kong conversation between byanan at sa partner q. Paano po yun? Ano po ba gagawin ko? Ngayon po marami akong inisip like, pagkatapos q manganak tatakas ako at magtatago O ipagpatuloy ko din po kahit na may nabasa akong ganun. Hindi q po kayang ibigay ang mga anak ko, dyos ko po ?maging sino naman hindi talaga kaya. Hindi ko pa sya sinabihan sa mga nakita q baka kc mag aaway kami at hindi niya ako bigyan ng pera sa pag panganak o ano kaya ano ang maiisip niyang gawin. 5 years na po kami at kinasal kami last February 15 2019 doon po sa probensya namin, CIVIL lang po. Ok naman yung pagsasama namin, mafefeel q naman mahal niya ako. E pag magalit siya GALIT talaga , sinasaktan niya ako, Sinisigawan. Kahit ganun ugali niya mahal q tlaga siya di ko po kaya iwan siya sa una at hanggang ngayon mag ddalwa na anak namin.. Ngayon po ay Hindi ko na po alam ang gagawin ko ? umiiyak nalang ako sa cr secretly at marami pumapasok sa utak ko. Mygossh anyone please help?
Future mom of 2