Silent Miscarriage-long post 😞
Hello po! Kinasal kmi ng husband ko nitong January 18. Since high school pa lang, kami na.. matagal naming inantay ung time na magkaroon kmi ng sariling pamilya.. nabuntis ako agad and lmp ko is march and supposedly due date ko na ng November 26. Pero since covid, d ako nakapagpacheck up agad.. June 3, pinilit ko ang asawa ko na magpa ultz sa sonologist.. as in d ko alam kung ano pumasok sa isip ko nun.. pero we found out na walang heartbeat baby ko at 17weeks.. sabi ng sonologist, d pa ganun katagal na nawalan ng heartbeat baby namin.. syempre in denial pa din kmi.. wala akong naramdamang masakit and walang dugo.. june 4, we’ve decided na pumunta ng ospital and confirmed na no heartbeat baby ko.. d na ko umiyak pero masakit.. walang tumutulong luha.. same day niraspa ako.. ang ginawa ko lang magdasal at trust God’s plan😞 They found out na may pleural effusion ang baby ko and ascites. Paano po ba maiiwasan un? Ang hirap makamove on.. d na ko masyadong nakapagtanong sa ob ko, dahil totally black out ako sa nangyari.. although, may follow up check up ako para magpaalaga na sa ob.. gusto ko lng malaman sa mga nakaexperience ng case ko.. tia 🙏 #advicepls