Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan 😫 grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! 💚 Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po ung agwat ng pagdede ni baby momsh, ung sa baby ko dati halos every 30mins tas halos 1hr ako nagpapadede😅 sa gabi pag nagpadede ka lagyan mo unan ung balakang mo momsh para kahit papano hndi mangalay ung likod mo tas ang ginagawa ko pinapaunan ko c baby sa braso ko para kahit makaidlip man ako nararamdaman ko lahat ng galaw ni baby natatakot kc ako dati baka makatulog ako tas mabulunan c baby d makahinga kaya pinapaunan ko siya sa braso ko habang dumedede😊

Magbasa pa