16 Replies

Kung mahal mo boyfriend mo, tanggapin mo yung bata. Wala na tayong magagawa kasi nandyan na yan. Hindi rin pwede na ayaw mo maconnect sa bata dahil sa nanay nun kasi in a way, pamilya na kayo niyan dahil girlfriend ka ng tatay niya. Hindi rin natin pwedeng kwestyunin kung ang sumasagot sa batang yun ay pamilya ng boyfriend mo dahil in the first place, anak niya yun. Kung pabaya na nga ang ina, alangan naman hindi nila alagaan ang bata, hindi ba? :) Sa ugali naman ng bata, 5 years old pa lang yan. Marahil sablay ang upbringing sa kanya kaya ganyan ang ugali but you have plenty of time na iimprove pa yan. Consistency lang sa pag eexplain na masama yun. Minsan kasi nararamdaman ng bata yung dislike natin towards sa kanila kaya baka ganyan din ang reaction sayo, mukhang nagrerepel kayo. Ikaw ang nakakatanda, ikaw dapat ang mas nakakaintindi. Pagpasensyahan mo na lang at tumulong sa pag improve ng character ng bata. Part yun ng pagdidisiplina sa kanya. I do agree na pangit masabihan na atribida ka pero in a way, magiging stepmother ka niya kaya bakit hindi mo itry i-correct ang ugali habang bata pa dahil mas magiging malaking problema yan pag tumanda na at ganyan pa rin. Kung hindi mo naman na kaya at sa tingin mo hindi na worth it, you always have the option to leave. Hindi pa naman kayo kasal. :)

hiwalayan mo nalang po .

I don't think matatanggap mo yung kid nung bf mo ng buong buo sa ngayon. Mejo concerned ako kasi pag nagkaron na kayo ng baby na sarili ng bf mo baka mas lalo kayo magkaron ng gap. Sa tingin ko magiging constant issue yung bata para sainyo. Ngayon palang kausapin mo na yung bf mo regarding dun sa pagdidiscipline sa bata. BUT you can always try to use positive reinforcements. Dala ka ng candy or choco everytime na nandon ka like pag tinawag mo yung kid and lumapit give him a pat on the head and some choco. Pag sinuntok ka or inapakan ka try to hug him bigla and hagurin mk yung likod. Igala mo yung bata and make real efforts talaga like go to zoo, mall or amusement parks. Sa tingin ko kasi kulang siya sa aruga ng nanay kaya at a young age nagrerebelde na especially nakikita nya nakukuha mo attention ng daddy niya from him. Iconvert mo sa awa and pity para sa bata yung inis na nafefeel mo. Try mo lang mageffort ng bongga and treat him as your own son, wala naman mawawala and baka magwork di ba. Pag di pa din talaga then maybe time to leave nalang. Pray for more patience. If mahal mo kasi si bf makakaya mong tanggapin yang anak niya. Be strong and lakihan mo pa yung heart mo 💪🙏

sis,kung mahal mo bf mo dapat tanggap mo lahat sa knya..ung LIP ko ngaun my anak dn,2 na dalaga..ika nga ng bf ko dti,pgka minahal ko dw xa,tatlo dw clang mamahalin ko.. ok nmn ako sa mga bata kc ok nmn palaki sa knila ng tatay nila..marespeto.. close kme ng mga bata pero syempre my mya bagay dn na ndi pnagkaka sunduan lalo na sa paglilinis sa bahay..kelangan mo lng sis ng pasenxa at tamang paliwanag sa bata para maintndihan ka..pero pgka ganyan nga ung bata,medjo mahirap pa mkipg kuhanan ng loob.. so kelangan mo dn ng tyaga..at isipin mo gusto mong maging pangalawang ina nya para mas mabilis mo xang matanggap.. kunin mo loob nung bata,#1 na dpat gngwa mo.. bout nmn sa sustento,natural lng na cla gumastos kc anak nmn ng bf mo un ihh..kawawa nmn bata kung wlang kakalinga at mag iintndi,db?goodluck sis..😊

May anak din ang LIP ko sa ex nya. bago nya ako ligawan snb nya na sakin na may anak sya w/c is tinanggap ko nmn. hindi kmi close nung bata at may katigasan dn ang ulo nya. ganun lng sguro tlga mga bata. but never ako nag isip na ayaw ko sa bata. unang una tinanggap ko ang LIP ko at tnggap ko lht sknya. pangalawa wla nmn kslanan ung bata. kht anong gwin ko anak padn sia ng LIP ko. mas gusto ko nga na kmi nlng mag alaga dun sa bata pra matutukan ko dn sya at maalagaan ng maayos kesa sa naiiwan sya kung knikanino. magaan ang loob ko sknya kht matigas ulo nya. kso ayaw sia ipahiram nung nanay nya smin or kht ipakita man lng. kung mahal mo tlga bf mo kailangan mo tanggapin ang anak nya. or kung dmo tlga kya, bka kailangan mona bitawan bf mo kc ikw lng dn mhhirapan.

I tried reaching out to him. Sobrang daming beses. Magiging okay kami, tapos maya maya yan na naman sya, mananakit na naman. Hindi ko alam kung tinuturuan ba sya ng nanay nya gawin yun. Kasi wala naman akong balak agawin yung bata na iyon sa kanila e.

make his child feel that you are a good step mom soon.and you love his father . Bata Yan ganyan talaga Yan once may kakilala Ang ama nya na Hindi nya Ina. nagseselos lang Yan . so dapat open minded ka dahil you need to be more pasensyosa. kausapin mo Ang Bata dalhan mo Ng Tous or foods na gusto nyo . make him/her feel that you like her/him too in that time will come mahung okay Sayo Ang Bata. sakin Kasi 2 years old plng Yung Bata nong naging kmi Ng bf ko tawag nya sakin mommy Akala nya nga ko Yung Ina nya but we explained to him . once pinapakitaan mo Ng mabuti Ang Bata eventually mahuhulog din Ang loob nya Sayo. mahalin mo Yung anak Ng bf mo dahil sooner or later magigung anak mo namn Yan.

Sis, medyo unfair ka. Bakit? Kasi responsibilidad ng tatay ang anak nya kaya ganon. Isipin mo maigi. Sorry kung hindi mo sya tangap ramdam nya yun kaya gnon ang ipinapakita sayo ng bata. Alm mo naranasan na, namin yang sitwasyon mo at tangap nmn sa, bahay yung anak ng babae ng kuya ko well actually 2nd wife n dn nya yun. Nasa treatment mo kasi yan. Ung bata na, anak ng 2ndwife ng kuya kocang trato nmn is pamangkin na din at close dn kami sknya pati mga anak ng kuya ko. And take note kuya ko nag susustento sa bata. Isipin mo yan. Walang kasalanan ung bata. Kng gnyan, mag hnap ka ng ijojowa mo na walang anak ng wala ka problema tapos.

Bata pa po ang anak niya. Hindi pa fully developed ang brain. May mga emotions na hindi pa niya kayang i-handle kaya sa "masamang" ugali niya nailalabas. Kailangan niya ng gagabay sa kanya. Kung sa tingin ninyo hindi kayo 'yun, hiwalayan ninyo na ang BF ninyo. May pinagdadaan ka, oo. Pero may pinagdadaanan din ang bata, ang liit liit pa niya, mukhang magulo na ang buhay niya, kawawa dahil kailangan i-comprehend 'yun agad at that age. Follow Big Life Journal sa FB/IG, for ways how to look into the child's perspective.

Tingin ko di mo talaga kayang tanggapin. Ang daming positive comments here how to help you make a better connection sa bata pero lagi ka nagjjustify, lagi mo pinagdidiinan ung mali nung bata. Nung 5yrs old na bata. So as early as now makipaghiwalay ka na. Kasi pagdating ng panahon sure ako magiging bigger issue yan. Unfair kung papipiliin mo ung guy between you and his son.

sa Islam po hindi responsibility ng step parents ang alagaan ang anak nila sa unang asawa, better po na humiwalay kayo ng tirahan para wala po maging issue, if tingin mo kaya mo i endure yan up hanggang magkasama kayo then ipaintindi niyo po sakanya na dapat may saklaw ka din sa pagdi disiplina sa bata para mahanda na din po siya kapag nagkaron na din kayo ng sariling anak

Hi sis! Try mo iaccept yung bata ng buong puso mo baka maintindihan mo yung sitwasyon nya bilang bata pa. Tayo yung nasa tamang age kaya tingin ko tayo yung dapat maunang umunawa at ituro yung tama. 5 yo palang kasi sya, tingin ko normal yung ganung pag uugali nya lalo na at di pa nya fully understood yung nangyayari sa paligid nya. 😊

Hello po. Thank you po sa advice mo po. 😊 to be honest, pinagsasabihan po yung bata e. Pero ewan ko po bakit ganun ang ugali po talaga nya. Ayoko din po kasi makialam na pagsabihan ko dahil baka po magsumbong sa nanay po nya. May nanay pa po kasi yung bata. Ayoko naman po na magkaroon kami ng connection nung nanay kasi nakaka inis po yung nanay e. Sorry po, pero irresponsible po talaga yung nanay.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles