May anak ang boyfriend ko

Hello po. Gusto ko po sana humingi ng payo. May anak po kasi ang boyfriend ko. Ang problema ko po kasi ay yung bata mas nag sstay sa side ng boyfriend ko. May nanay pa po yung bata. Yung nanay po nya is may bago na pong anak at ka live in. Ang nangyayari po kasi, yung pamilya ng boyfriend ko ang nag aalaga sa bata. Pati sustento, sila. Kahit yung baon na lang nung bata pagpasok ng school hindi po nagbibigay yung babae. Hindi ko rin po tanggap yung bata dahil hindi maganda ang ugali nya. Mapanakit po yung bata. Lalo na pag andun ako sa bahay ng boyfriend ko. Babatuhin ako minsan o kaya pa simpleng aapakan yung paa ko. 5 years old po yung bata. Sinasabi ko naman po sa boyfriend ko yung ginagawa nya sakin. Pagsasabihan naman nya pero maya maya, uulitin na naman. Ano po ang pwede kong gawin ko? Hiwalayan ko na din po ba ang boyfriend ko dahil hindi ko tanggap ang anak nya sa ibang babae? Wala pa po kaming anak. Pero we're planning to get married soon. Sana po matulungan nyo ako. Thank you po.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung talagang mahal mo boyfriend mo tanggapin mo anak nya kahit ano pang sama ng ugali ng anak nya dahil anak nya yon sa ayaw sa gusto mo shempre tatanggapin mopa din, bata payun magbabago din yon ganon naman talaga ang mga bata eh basta maging mabuti kapa din halimbawa sakanya kahit hindi mo siya kadugo:)

Magbasa pa
VIP Member

Bata p xe yan though mei gnyan age n npgssbhan nman at umaayos bsta dpende dn s mga taong nkpaligid.. Pg aralan mo nlng n gustuhin un bata hnd mdali xe ayaw mo sknia peo mgnda dn xe mnsn bonding kaio labas kaio n kaio lng dlawa.. Kaen kaio jollibee.. Kesa nman sinarado mo n agad puso mo s bata..

5y ago

Hello po. Thank you po sa advice mo po. Isa pa po is may nanay po kasi yung bata. Ayoko naman po na masabihan akong atribida nung nanay nung bata. Saka nabi bwisit din po ako sa nanay nung bata. Kaya hanggat maaari po talaga, ayoko po magkaroon ng connection sa kanila.

sabihin mo sa BF mo kung ano yung ginagawa sayo at yung pakiramdam mo about dun, kasi kung pagsasabihan mo direkta yung bata eh baka ano pa sabihin at isipin nila sayo. Ikaw na nagsabi ayaw mo dun sa bata eh nararamdaman din nila kasi kung ayaw sa kanila, ayaw din nila dun sa tao.

5y ago

Thank you po sa advice. Pero lagi po pinagsasabihan yung bata. Ako na nga po ang umiiwas pag nandun po ako sa kanila kaso yun bata naman po ang lapit ng lapit para manakit.

Kung di mu tanggap anak nya malaki magging problema nyo.. bf mo pa lang xa pero ganyan na sinasabi mo sa anak nya

5y ago

I tried reaching out to him how many times na po. Pero maaayos kami pero maya maya, ayan na naman ulit sya. Mananakit na naman. May isang beses na bigla nya na lang ako sinuntok at nandun ang nanay at tatay ng boyfriend ko. To my surprised n sinuntok nya ako, napagsabihan ko talaga yung bata. I even said it to my boyfriend para naman mapagsabihan. Pero tatawanan lang sya nung bata. Di ko alam kung tinuturuan ba sya nung nanay nya na saktan ako o ano. Sabi ng boyfriend ko, pag andun daw ako sa kanila, bigla daw nagiging ganun yung bata.

same .. pero mabait Naman Yung bata .. naiinis lang ako kapag umaarte .. ngiging kamukha Ng nanay.

Ganyan din ako di ko tanggap