19 Replies

Minsan na nangyare sakin yan mii.. nagsumbong ako sa hubby ko, good thing ngalang na si hubby tlagang pinanindigan niya yung thru thick and thin na vow niya sa altar when we get married.. kaya nung nagsumbong ako saknya ako kinampihan niya.. sabi niya "kung ganun pla, edi wag na tayo pumunta sa bhay, wag na natin ipakita saknila mga bata" eh ako nmn ayaw ko nmn ng ganun, kaya sabi ko nkkasama lang ng loob pero wag mo nmn ilayo yung apo nila saknila.. pero tlagang nkaksama ng loob pag ganun, kaya ang ginagawa ko mas matagal kamo stay sa mother ko, then pauwi uwi nlang kami sa inlaws ko minsan every weekend or depende sa availability.. pero i swear kapag nkita mo nmn itsura nila tuwing aalis mga apo nila madudurog din puso mo sa awa..

Isa lang masasabi ko. Kapag ang tao may simbi sken or sa family ko na hnd tama supalpal ka saken. Lalo na if wla naman ako/kming ginagawang masama. Hindi lang sya dpt pwd mag salita ng kung amo gusto nya dpt ikaw din in a nice way. Dpt may taong mag correct snya. also, dpt sabihin mo sa asawa mo kasi dyan mo malalaman if anong klase syang tao. Kunsintidor ba sya or malawak ang pag iiisp. Malas mo if kampihan nya nanay nya khit mali kaya mag isip ka. One time may hnd maganda nsbi papa ko sa asawa ko tlagang sinagot ko sya na makapal mulha nya pra sabihan mg ganun asawa ko na napakabait. Oh edi kinakbukasan mag sorry sken papa ko, mali daw nsabi nya. Oh db kasi ikaw kapav panay ka tahimik hnd ka titigilan nyan.

dati nung buhay pa ang father ko. palagi niya sinasabi sakin "kahit anong galit mo, kahit anong marinig mo galing sa byenana mo. Wag na wag ka sasagot. kase hindi mo magulang yan. pag ikaw sumagot hindi ka kaya patawarin nyan.iba yan sa amin. Kami magulang mo kami mapapatawad ka namin. Pero yan ibang tao pa din yan sayo " parati ko tinatandaan yan. Hanggang sa naghiwalay kami ng una kong asawa. kahit until now iniaapply ko pa din. Bumukod kana lang mamsh kesa magkainitan kayo diyan. At baka pati asawa mo ay makatampuhan mo. Syempre ibang usapan pa din pag magulang na.

minsan ang hirap pa rin pakisamahan pagod kana mag alaga ng baby nyo tapos asawa mo di kapa maipagtanggol sa magulang nya.

Yung asawa mo ang kausapin mo Mi, lakasan mo loob mo kung ayaw mong mas tumagal pa magdurusa mo dyan. Matatanda na kayo mag asawa, may sarili kayong desisyon sa buhay. May sarili kayong pamilya. Sya ang tanging macoconvince mo na umalis dyan. Kailangan nya mag step up in decision making. Ikaw be firm na sabihin sa kanya na gusto mo nang bumukod. Hindi pwede dalawa ang reyna sa isang palasyo. Alis na kayo dyan. Hindi yan healthy kung patatagalin mo pa, di ka makakaubra sa byenan mo. Sya lagi magdedecide para sa inyo? Ekis yun Mi. Edi sana kayong talo nagpakasal diba. Tsktsk.

Sabihin mo agad may sasabihin ako pero huwag ka magagalit at pagisipan mo muna ito pinagisipan ko bago ko sabihin sayo kaso mabigat na sa puso ko kaya gusto kong sabihin..... tska dapat malumanay ang boses hindi malakas o pasigaw.

Nako momsh inggit lang yon kasi baka iniisip nyang in law mo na sa side mo mas magiging close anak mo. hahaha. nako girl medyo danas ko yan kasi nanay ko lagi andito e nakatigil kami sa mga biyenan ko. laging kinokontra nung biyenan ko nanay ko. hindi pa naman namin kayang bumukod at ang asawa ko e takot yatang humiwalay sa magulang nya. pag akoy naasar maaga akong babalik sa pagtratrabaho. uuwi kami sa nanay ko.

Kausapin mo asawa mo mommy. Ganiyan din ako dito sa biyenan kong babae. Napaka chismosa at pakielamera. Lahat nalang issue niya. Naririnig ko pa siya minsan na chinichismis niya asawa ko na anak niya! Doon nag umpisa galit ko sakaniya. Sinasabi ko inis ko sa asawa ko para siya ang makipag usap. Alam niyang ayaw ko sa ugali ng nanay niya dahil kahit siya alam niya ugali ng nanay niya.

ano ginawa ng asawa mo mi? kasi ako kahit anong usap ko na sa asawa ko walang nangyayari

Ganto rin ako eh, yung nanay ng partner ko nag enjoy na gawin akong utusan yun pala ayaw saken tas nung sumabog na ako nung kukunin ko na yung Maternity benefit ko sa SSS tas sabi ko nasa atm lang naman at sya na kumuha dahil wala pang 2 weeks baby ko non at wala magbabantay aba minura ba naman ako ng "p@kyu" hahaha ngayon alam na namin sa bawat isa na di namin gusto ang isat isa. 😂

halos same saken mamsh pero ako kasi nagging vocal ako sa asawa ko. mga ayaw ko mga nakaka offend saken mga di magandang salita na naririnig ko sa family o mom niya sinasabi ko saknya . siguro wala namang mali sa pagging vocal lalo na kayo ng asawa mo mag uusap kasi mas ok na maging transparent tayo sa partner natin lalo na kung nabobother ka at naaapektuhan ung peace of mind mo

Ang pinakamaganda jan mamsh make a solution na walang makakaalam ng totoong reason hikayatin mo si hubby magbukod tapos idahilan mo nalang na lumalaki na ang family nyo need nyo ng privacy at para maalagaan nyo ang isat isa para walang maoffend both sides now if gusto ng biyenan na bisitahin kayo doon its up to you mamsh kung comfortable kang bisitahin ka or kayo nalang bumisita 😌

maganda kung bubukod sa malayong malayo hahahaha para di na makadalaw ako ganyan din gusto ko mangyari kaso di nangyayari

maganda na iopen mo kay hubby mo yan para aware sya sa nanyayare.. my mga tao tlga na ganyan..kht wala ginagawa insecure at inis na agad dun sa kapwa kht wala ginagawa..minsan ayun nga dahil inggit rin sila mabuti dyan nakabukod tlga para wala nakikielam..hirap kc ganyan kaya kmi ng hubby ko pinilit tlga nmin bumukod dahil ayaw nmin ng ganyan my nakikisawsaw sa buhay nmin

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles