NANGUNGUTANG ANG NANAY KO SA ASAWA KO

hello mga mommies at d pa mommies..asking for advice. Mejo mahaba po ito sana tapusin nyo at mabigyan aq ng advice :) ang nanay ko po kasi nangungutang sa asawa ko ng d ko alam, dti nakautang na sya ng 50k ito alam ko to, tpos umutang pala ulit sya ng 20k, 10k, 50k ng hindi ko alam, sinasabi nya sa asawa ko na wag ipaalam sakin. Kaso nahuhuli ko na pinapautang nya si mama dahil nababasa ko sa messenger yung usap nila (nalimutang burahin ng asawa ko ung convo nila). Kinausap ko asawa ko wag na pautangin si nanay kasi alam ko d naman mababayran ng nanay ko yon dahil may mga utang din sya na pinapangakuan nyang bayran pero d naman nababayaran. Tapos nitong nakaraang linggo lamang nagsabi asawa ko sakin na pinagloloan sya ng nanay ko ng 500k, sabi ng asawa ko sa nanay ko kailangan ng ipaalam sakin kasi malalaman ko na dw at liliit ang sahod nya dhil sa kaltas gawa ng loan. Nagagalit ako at masama ang loob sa nanay ko dahil dinadamay nya asawa ko sa mga pinagkakautangan nyang alam kong d naman nya dn mababayaran. sabi ko sa asawa ko ay wag magloan, dhil hindi naman din sha mababayaran ni nanay panigurado dhil madami din itong utang na d pa nababayran. nagagalit aq sa aswa ko at nanay ko dhil pinaglilihiman nila ako. Naiinis ako sa nanay ko dahil tinuturuan nya maglihim ang asawa ko sakin, pano kung mahuli nyang nambabae asawa ko at dahil sa utang na loob ng pagpapautang sa kanya ay ilihim nya din to sakin. yan ang mga naiisip ko simula nung malaman kong nangungutang ang nanay ko. Akala ata ng nanay ko ay maraming pera ang asawa ko kaya makautang sya ganun ganun n lng. pinaghirapan ng aswa ko un. Kung nagtataka kayo bat mlaki utang ni mama ay dhil dw nung nagaaral pa kmi, ngunit matagal ng panahon yon at lging gnon ang dinadahilan nya samin. Ayaw din ksi magsabi ng totoo samin ni nanay ng mga pinagkakautangan nya. Tinanong na namin sya dti kung magkano talaga mga utang nya ang sabi nya lng 35k at pinabayadan q agad un sa kanya, ngunit hindi lng pala ito ang utanh nya madami pa ayaw nya lng sabihin saming mga anak nya ang totoo. Sa asawa ko nasabi nya. Kaya napapaisip ako kung totoo din ba ang sinabi nyanh kwento sa asawa ko o hindi para lng makautang sya ng gnong kalaking halaga. #adviceplsmomshies

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

mag usap po kayo ng harapan.para if need/kaya nyo isettle yung utang, diretso sa pinagkakautangan.. also, give ultimatum kay nanay, na pag may utang pa ulit, sya na ang magresolve, best din if ang unang maresolve eh ang dahilan ng pangungutang. si hubby sabihan din na if lumapit about money matters kahit sabihing isikreto sayo, sabihan ka pa din.

Magbasa pa