Ayoko po nito
Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??
Unwanted pregnancy din yung samin, wala pa kaming 1yr ng partner ko ng nabiyayaan kami. Pero ito hinarap namin lahat at yung iniisip natin na baka ano gawin sa atin ng parents natin magiging kabaliktaran yun kasi since nung nalaman nila, syempre may mga konting tanong at sermon na expected naman talagang mangyari pero at the end of the day nandyan sila nakasuporta sayo. Kaya pls keep mo si baby! Ang daming gustong magkaanak dyan na di magkaanak pero ikaw ang biniyayaan, blessing yan, alam ng Diyos na kakayanin mo kaya pinagkalooban ka niya despite sa lahat ng ginawa mo. At walang kasalanan ang baby kaya di niya deserve kung ano man ang iniisip mo ngayon. Prayers lang at laban sa life! 2 na kayo ngayon and i know magiging kakampi mo yan sa lahat ng laban sa buhay. β€
Magbasa paate girl me right now im 19 years old and im 4months preggy, alam kong maaga para mabuntis pero nung andito na sabi ko sa sarili ko ano man ang sabihin ng magulang ko tatanggapin ko kase hindi ko naman sila masisi kung magalit sila sakin e , masyado pa naman nga akong bata , pero sana ate girl bago mo isipin na ipalaglag yan , inisip niyo muna yan bago kayo gumawa , hindi yung BATA YUNG MAG SUSUFFER isipin mo ate binuo niyo yan ng walang alam yunh bata , tapos ngayong nandyan na may balak kang ilaglag , be responsible ate , not all mommy out there have there little angel , swerte ka kase isa ka sa biniyayaan ng angel e π sorry ate kung may mali ako nasasabi sayo pero sana isipin mo yung bata , wala naman siyang maling ginawa e
Magbasa pa19 years old ako nabuntis. sobrang strict ng papa ko. halos hndi ako palabasin ng bahay noon. pero tanggap na nya ngayon ung pinagbubuntis ko. 20 years old nko ngayon. kakabirthday ko lng nung july kaya kaka20 ko lng dn. kabadong kabado ako noon dhil hndi ko alam ang sasabihin ko sa papa ko dhil alam kong galit sya sa akin at ayaw nya na mabuntis ako ng maaga. ayaw dn nya sa asawa ko. pero ngayon tanggap na nya. although ung mama ko may sama pa dn ng loob pero tanggap nila. matatanggap yan ng family mo. wag mo nang dagdagan pa ung pagkakamali mo sis. alam mong nagkamali ka na dhil nagconcieve ka ng baby. tapos ipapalaglag mo pa? dobleng kasalanan na yan sis. kaya kung ako sa iyo ituloy mo na ung pagbubuntis mo. dhil kahit bali baliktarin mo man ang mundo ang magulang mo pa dn ang unang mas makakaintindi sa iyo.
Magbasa paSis kung nandiyan na si baby huwag mo naman patayin dahil sa sobrang pag-inom mo sa gamot. Nandiyan na yan. Biyaya yan sa'yo at sa pamilya mo. Isipin mo na lang magkaka-apo na ang parents mo galing sa'yo. Oo sa una magagalit talaga yung magulang kasi hindi naman nila ginusto na magkaganyan ang buhay mo. Choice mo yan na nakipag do ka sa partner mo pero may pamilya na. Isipin mo na lang si baby sis kahit hindi ka pa handa ngayon. Kahit graduating ka na pwede mo pa naman ituloy yang pag-aaral mo. Hindi pa naman huli ang lahat. May pag-asa pa. Sa ngayon ang gawin mo magsabi ka sa parents mo at magpacheck up ka. And magpray ka din na walang mangyaring masama sa baby mo. Biyaya si baby sis kaya huwag mong pahintulutan mawala siya sa'yo. Kaya mong lagpasan yan. Pakatatag ka lang. :)
Magbasa paPalakihin mo yan sis huwag mo ipalaglag blessing yan sa buhay I'm still 18 yrs old nga may baby na ako 1month and 16 days na siya ngayun I'm so happy na nagkababy na ako kahit ganto palang edad ko kasi alam ko namang makakaya ko lang at matatanggap din ito ng magulang ko at mga taong mahal ako kaya sayo sis laban ka sis di naman masama ang magbuntis sis eh mas masama ang ipalaglag mo si baby. Plsss huwag mong gawin yan plsss buhayin mo si baby huwag mong pabayaan mahalin mo si baby kasi dugo't laman mo yan sis kaya laban lang at huwag mag pa stress kasi nakakasama yan di natin alam mas susuportahan ka ng parents mo dyan. Masuwerte kanga meron kang dalawang parents eh kaya pls huwag mong ipalaglag sis.
Magbasa paGanyan din ako before nung nalaman kong Buntis ako, Pero never kong naisip ipalaglag ang baby ko, nakakatakot umamin Lalo't strict Ang parents and sa family namin Lahat Kasal muna bago baby, Pero still tinuloy ko.. Tinago ko 4 months na tyan ko bago ako umamin,pero inisip kong Malalaman din naman Nila bat di ko Pa Sabihin..magalit man sila wala na silang magagawa at Hindi ko naman hihingin ang pang gatas ng baby ko Dahil may business naman ako. Naisip ko din kasi if what if Isa Lang Ang ibigay ni lord na baby sakin Kaya inamin ko.. Natanggap naman nila ako Kabaliktaran Sa iniisip ko π Kaya sis kaya mO yan may Plano si lord para sayoπ always remember "God gives his toughest battles to his strongest soldiers " β€
Magbasa pai got pregnant when i was 4th year college, june yon tapos nanganak ako before graduation, that was march. classmate ko ang daddy ng baby ko. I was so stressed and hindi ko alam pano ko sabihin sa family ko pero nakayanan namin ng bf ko noon. hindi namin sinabi both family na i was pregnant for almost 6 months bago q nasabi sa ate ko. All we did is patuloy sa pag aaral, pero never pumatak sa utak q na ipalaglag c baby . sa awa ng panginoon naka graduate kami both ng bf q na asawa ko na ngayon ang 6 years old na ang baby namin and im 4 months preggy ngayon. nagkamali man kami , we're not prepared at first but we stand with it, by now, sa awa ni God masaya kami ngayon.. we're both government employee. makagawa man tayo ng mali hindi dapat mali rin ang gawin nating solution..
Magbasa paBeen there,9weeks ako nung nalaman kong preggy ako,takot na takot ako nung time na yon. Kaya pala habang nagdidiscuss ako sa harap ng mga students ko nasusuka ako (OJT-educ student). Then last april nalaman na ni mama na preggy ako,nung una syempre marami kang maririnig kesyo ganto tanga tanga, di nag-iisip, di inenjoy pag ka dalaga, pinaka worst kong narinig sa pamilya ko non is "nakakahiya ka".Di makatulog ng maayos kakaisip,kakaiyak nung mga time na yon. But time goes by natanggap din nila. Kaya at kakayanin mo yan wag ka papatalo sa mga maririnig moβΊοΈ Lagi kang magdasal na magiging okay din ang lahat. Eto ako ngayon kinakaya lahat kasama boyfriend at pamilya koπ #TeamSeptπ btw Graduate nakoπ€Kaya dedma sa mga chismaker na kapit bahay HAHA! Pls wag mo palaglag baby moπ
Magbasa paAntanga mo! Kupal ka. Sorry ha pero ang bobo mo po! Alam mung una my asawa pumatol kpa? Uso talaga kabet ngaun e no? Pangalawa bat ka nagpakantot e d kapa handa? Di sana nag condom ka! Alam mo pag may nangyari sa bata mabubulok kaluluwa mo sa impyerno! At pano kunh kakapit talaga si baby? Tpos ininuman mo na ng gamot edi magdudulot yan ng kung anong abnormalities sa knya. IKAW padin mag dudusa! My plano ka pa pala sa buhay mo e bat ka lumandi ng maaga? Tpos ngaun ung walang ka muwang2 na bata idadamay mo jan sa kapalpakan mo? Kahit pa mging successful yang pag papalaglag mo at maging pulis ka someday hndi ka pdin matatawag na successful! Dahil isa kang ka hiya hiyang tao at walang kwentang Ina!!!!
Magbasa paPanindigan mo iyan sis, sabihin mo sa parents mo much better sa una kalang papagalitan pero matatanggap din nila iyan. Lalo na sa jowa mo sabihin mo para aware siya at kung ayaw niya panagutan idemanda mo siya. Sabi mo magpupulis ka, pano mo gagawin iyan kung ang responsibilidad na hinaharap mo ngayon dimo magampanan pano nalang kung nagpulis ka eh, utuwid ang landas at kabutihan ang ginagawa niyo sa kapwa tao magagawa mo ba iyun kung sa baby mo palang dimo magawa? Be brave sis, take action not worries. 18 ako nung preggy ako at my asawa't anak yung jowa ko di ako pinanagutan pero mas mahirap kung papatayin ko yang bata through taking medicine. Trust me pag ginawa mo iyan malaking bagay na dikana bibigyan ng anak ang panginoon. Just saying! π
Magbasa pa
Raketerang nanay