5months preggy

Hi po ftm here!❤ 5months preggy pero wala akong nararamdamn kahit isang sipa. And twice lang ako nakaramdam ng parang kumukulo sa loob ng tyan ko pero that time is kakain ko lang then yung isang beses naman is medyo mahina ko lang naramdaman habang nakahiga ako. Tapos kapag kinakapa ko naman yung tyan ko may pitik pitik lang pero mas malakas ng konti sa may bandang puson kumpara sa gilid gilid ng tyan ko. Tapos may time na sumasakit siya at tumitigas ang tyan ko pero mula kahapon at ngayon wala. Ftm ko po kase and natatakot po ako lalo na at may nababsa ako dito tungkol sa pagkakaroon ng stillbirth baby eh may times na nakatihaya po ako matulog bibihira lang ako matulog ng pa left side kase nahihirapan ako huminga at di ako komportable. Sa july 21 pa kase ang balik ko sa center para sa turok yun nalang po ang inaantay ko bago ako mag pa ultrasound dahil wala pa din po akong pera. Dahil sa negative na nababasa ko dito like still birth baby at mga nakunan lalo na yung mga nagpa ultrasound at ang kinalabasan is walang heartbeat si baby at may nabasa pa ako na need sila iraspa agad kaya diko maiwasan magworry talaga palagi nalang ako nagdadasal at humihingi ng gabay kay ama. Sobrang mahalaga po ang baby ko kase sya yung biyaya saken ng nazareno nung huling beses akong sumalang sa paghawak ng lubid nung fiesta ng nazareno napaka delakado that time pero pinilit ko kahit na nahimatay ako diko ininda at ang tangi ko lang hiniling ay biyayaan nya ako ng isang anghel. At this march lang nya ako binigyan ng biyaya. Kaya masayang masaya ako. Baka may alam or same situation ko dto 😄 pasensiya na po salamt

5months preggy
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung anterior po ang position ng placenta nyo..hindi daw po gaano mararamdaman ang galaw ni baby..kasi nakaharang ang placenta.. Ako kasi anterior..kea pala kahit pitik bihira ko lng din maramdaman..

Try po ninyo iobserve every night kung sumisipa ba si baby. Mostly night time sila mas active.

5y ago

Usually 8pm nakahiga nako after kumain then 9&10 pm watching nalang ako ng movie sa phone then umaabot pako minsan ng 11pm pero wala talaga eh bukod sa hirap magpalipat lipat ng sides para makatulog eh hanggang pagkapa lng ginagwa ko at hinimas himas ko lng at kinakausap ko naman pero nakakalungkot wala talaga😣