first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sis, alam mo na ganyan behavior ng husband mo gugustuhin mo pa ba magkababy sa kanya? i have read once na wag natin isipin ung kung ano magbabago sa lalaki, kung ano pinapakita nya un na sya. mahirap na umasa ka na magbabago un tao if ganto or ganyan. gusto mo ba mawitness or maranasan mismo ng baby mo ung ipinaparanas sayo ng husband mo?

Magbasa pa