first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

good day Mii, tandaan mo ikaw ang unang magmamahal at dapat na rerespeto sa sarili mo maliban sa ibang tao, kung nakakalimot yung asawa mo ipaalala mo kung ano mga ginagawa niya kapag nakainom or galit siya iaddress mo yung issue baka kasi akala niya ok lang na baka submissive ka lang talaga which is wrong na for you as individual na lang kahit di na asawa niya, 2nd point wala pang kakayahang mamili ng magiging tatay yung Baby na pinaplano niyo, asa sayo kung nakikita mo bang deserving na maging ama sa ngayon yung asawa mo, na sayo din kung kaya mong makita kung pano magiging trato ng asawa mo sayo at sa magiging anak mo, Pagpray mo yung magiging desisyon mo, lalo pa at may walang muwang na batang nakasalalay ^_^ kung naadress mo na kay Mister yung concern maglatag ka din ng action plan paano mababago yung attitude niya towards you, pero kung sa pag.adress mo pa lang gaslighting na, umpisahan mo ng magmove on at self-love, do not settle for bare minimum, you deserved more and only the best.

Magbasa pa

sis napaka RedFlag ng asawa mo sa totoo lang at kung hindi kayo kasal mas madali mo na siya hiwalayan. o kung kasal man kayo hiwalayan mo pa rin maawa ka sa sarili mo. jusko napaka Abusive niya masyado.. please lang kung kaw nga nasasaktan ka niya emotionally.. idk kung pisikal ba sinasaktan ka din ba? what more pa kung may Batang involved... ligtas mo na sarili mo habang wala pa kayong baby.... napaka contradict pa ng mga sinasabi niya.. plan niyo magkababy? tapos sa away niyo ipapalaglag niya yung bata? tapos dahil posibleng delikado ka sa pagbubuntis sisihin ka niya Pag nalaglag? sa totoo lang ha wag niyo na muna planuhin magkababy mas mahirap kumawala Pag may anak na kayo.. Mahalin mo sarili mo deserve mo ang irespeto bilang babae.. at alagaan ng asawa.. kaya Sana sis habang may chance pa hiwalayan mo na yan

Magbasa pa

Sis, you don’t deserve that kind of treatment and hindi din deserve ng lalaking yun maging isang “ama” lalo kung may ganon siyang mindset about you, your pregnancy and the baby. Nakakatakot yan sis. Nakakatakot din para sa magiging anak mo. If ikaw nasasaktan niya, kayang kaya niya din gawin yun sa magiging baby mo. Possible abusive words lang sa ngayon pero later on baka physical abuse na. Save yourself! Are you really married to him? Kasi if hindi pa kayo married, better go separate ways kasi delikado talaga makisama sa ganung klaseng lalaki. Once magka-baby kayo, there’s no turning back. Ganung klaseng lalaki na ang ama ng anak mo. Pero habang wala pa kayong baby, maiiligtas mo pa ang bata sa pagkakaroon ng miserableng buhay. Don’t tolerate that kind of behavior towards you sis. Please lang.

Magbasa pa
TapFluencer

Hi, How are you? For me if you're still not married you have time pa to think kung kaya mo ba na habang buhay na ganyan yung makakasama mong asawa at makakalakihan ng mga magiging anak mo. Respect, Love and Trust are important. Think of yourself and your future babies if your husband verbal is hindi na maganda and what if sumobra pa dun yung mga pwede niyang gawin. Husband mo siya but nanggaling na din sayo na natatakot ka sakanya. Pray and ask advices also sa mga trusted friends mo and family. And regarding naman po sa pagkakaroon ng baby but you have health condition dahil may hika po kayo, pwede naman po na magpaconsult muna po kayo sa OB para ma advice niya po kayo regarding that matter. Matutulungan niya po kayo kung ano yung mga pwede at hindi if possible po at kakayanin niyo naman po magbuntis.

Magbasa pa

nako mi wala respect sayo husband mo pagganun prang mukha ka lng basahan sa knya kasi mi husband ko hindi gnyan never pa niya ako nasigawan o minura simula nung nagkakilala kmi hanggang ngayon malapit nko manganak. pagbuntis kapa nman mi grabe ang moodswing mo need magadjust ng husband pero sa tingin ko sa husband mo ikaw pa ata mag aadjust mi. Dapat unang palang mi ganyan na treatment sayo pinakawalan mo na mi kasi wala tlga respect lalo na pagnagtagal. Pray ka lng always mi kung di pa kayo kasal alam mo na gagawin mi pwede kapa magbagong buhay tanggalin yang toxic na yan sa life mo para lumiwanag buhay mo. Mahirap magbuntis kung ganyan ksama mo mi sinasabi ko sayo kaya wag mo na pangarapin na magkaanak sa ganyang lalaki walang kwenta yan base sa mga sinasabi niya toxic tlga sya sa life mo super.

Magbasa pa

Hello sis, for me hindi yan tamang mindset ng lalaki sa asawa nya. feeling ko di sya magiging mabuti at maayos na ama sa anak nyo at lalo na bilang asawa sayo. hindi ka dapat nya tinatrato ng ganyan. Pahalagahan mo yung sarili mo sis, wag ka magpakatali sa ganyang klase ng partner . hangga't wala pa kayong baby much better na unahin mo yung health mo. wag mo itali yung sarili mo sa taong di deserve ng love mo. kung mahal kanya irerespeto kanya bilang partner. kailangan mo ng Peace of mind.

Magbasa pa
TapFluencer

Hi miii .. very very much red flag naman si hubby mo. Pasensya na but, that can't be tolerated ang toxic naman na sinisigawan at minumura ka nya anywhere wala bang nanay? at kapatid na babae yang asawa mo? Kasi, If respect can't be given pag isipan mo kung ganyang ugali ba ang talagang gusto mong kasama hanggang tumanda ka. Personally auko ng minumura ako. What more yung may sigaw everywhere nakakawala ng respeto yan at nakaka Baba ng self esteem bilang babae at magiging nanay ng anak nya.

Magbasa pa

Hindi ok ang ganong treatment ng asawa. Isipin nyo po ang welfare nyo and dignidad kasi it seems na walang respeto sayo ang asawa mo dahil minumura ka and pinagbabantaan. ang asawa katuwang sa buhay, ano tingin nya sa sarili nya? kala ng asawa mo kung sino syang mataas kasi ganyan ka nya tratuhin. don't allow him na itreat kang ganyan. hiwalayan mo habang wala pa anak. deserve natin ang taong magmamahal, rerespeto at magaalaga satin. love yourself first 🙂

Magbasa pa

Sa statement mopa lang mi, andun na yung sagot agad. Mag isip isip lang mabuti bago pa dumating sa point na mabuntis ka nga kasi baka mas lumala pa yung ganung trato nya sayo. Ikaw makakapili ka ng magiging partner pero ang mga anak mo di nila mapipili ang magiging ama nila kaya choose wisely or you'll regret it someday. Choose a calm and loving person mi. Kusa yang darating satin. Imaginin mona lang sa mga anak mo kung ganyan din ang magiging trato nya.

Magbasa pa

Tama na pagiging Tanga Girl, iwan mo Ang husband mo kisa naman pumayag ka ipa laglag ang bata. So wat kng may Hika ka?? Hnd namn yn dhilan pra e go mo ang pag papalaglag kng nsa tamang pag iisip ka pa.. Hnd nmn na magnda pki tungu sayu ng lalaki, bakit dmu nlng hrapn kng ano maggng buhay nyu ni Baby?? Normal mag suffer kisa mag suffer ka sa ugali ng Lalaki na yan.. Blessing ang Bata, badluck yang Asawa mo. Ikw kng saan pipiliin mo ung Blessing o Badluck

Magbasa pa