Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mum of 1 fun loving son
Baby essentials ✔️
Paunti-unti nakumpleto na namin baby essentials @7mons. Super happy kasi di ko akalain na makukumpleto namin bago ako makaanak. Sa mga wais mommies, budget friendly ginawa ko para help na din sa SO ko. Dahil din lagi sya may work, more on online ako kaya abang na din ng sale. 😊 Next goal naman ay magstock ng madaming diapers and wipes ni LO. ☺️
Leg cramps at bedtime
Sino po same experience na nakakaramdam ng ngalay or leg cramps tuwing tutulog. Hirap na matulog lalo pa di makatulog dahil feeling ko napakatired ng muscles ko sa legs. Ano po ginawa nyo to ease ung pain? Hinihilot sya ni SO pero ngalay pa din pakiramdam. 😢
Effect ng stressful pregnancy sa baby
May nakaexperienced po ba dito mga mommies na all throughout ng pregnancy e mataas ang stress level. May napansin po ba kayo na effect sa baby nyo? I'm currently 7 mons pregnant and almost buong pagbubuntis ko puro stress nalang ako. 😢
Laging stress ngayong buong pregnancy
Long post. 6 months preggy here and halos lagi stress. Aside sa pinagdadaanan na problem ng family namin which is health related(mejo serious na sakit), stress ako sa bf ko at stress ako sa mother nya. May business ako pero during first trimester sobra ako nahirapan kaya napatigil then ngayon parang back to start uli business ko. Struggling ako financially then wala pa din kami ipon ng bf ko. Parang wala syang plano. Then nabasa ko pa sabi ng mother nya na magtabi daw at wag na ipaalam sakin. I feel na ayaw sakin ni mother nya. May anak ako sa previous partner ko while binata naman si bf. Parang feeling ng mother nya na umaasa lang ako sa anak nya which is not true. Pag aaral ng anak ko at pagkain namin mag ina sa araw araw ako ang nagshoshoulder. Btw, si bf may work and umuuwi lang sa bahay para matulog. Routine nya is gising dito diretso trabaho tapos uwi sa kanila tapos babalik pag 9pm na dito sakin. Nakakasama lang ng loob kasi di naman ako umaasa sa kanya pero mother nya kala mo naman e kargo ng anak nya kaming mag ina which e di totoo. Kung bastos lang ako tao ipapamukha ko na nung matagal na panahon walang trabaho anak nya e sinusuportahan ko un. Tapos ngayon na struggling ako financially e wala man lang pagkukusa bf ko tulungan ako knowing my situation. Sobrang nakakastress na. Minsan gusto ko nalang maglaho. Ito na pinaka worst situation na nangyari sakin, dati pa ko may issue sa mental and emotional well being ko. I have suicidal thoughts and naiisip ko na naman ngayon. Need someone to talk to
Di gaano bumibigat
Mga mommy, may nakaranas po ba dito na halos walang weight gain from 11 weeks up to 18 weeks? 3 checkups na po ako. First checkup ko 62kls then 2nd 61kls, this last checkup ko 62kls. Normal naman po heartbeat ni baby. Nagwoworry lang po ako and nagtataka kasi feeling ko naman lumaki ako pero bat di naman ako bumigat.
Nakakawalang gana si bf
Parang buhay binata pa din. Although nagwowork naman sya pero i feel mas lamang time nya palagi sa mga tropa nya. Parang mas excited pa sya kasama sila. Di pa po kami living under one roof. Parang lagay e bed spacer lang sya na pupunta sya dito para matulog then paggising aalis na din papunta sa work. Di nya man lang maisipan mag stay pag walang trabaho. Nakakainis na. Nakakaiyak lalo na ngayon na pregnant ako napakaemotional ko pa lalo. Gusto ko nalang sya iwanan kesa gantong stress ang binibigay nya. 😢
I feel too fat
Lagi ako sinasabihan sa bahay na ang taba ko daw. Currently 15weeks pregnant and 61kls. Mejo malaman po kasi ako before magbuntis. Sa checkup kay ob slightly overweight po ako. Di naman po ako malakas na kumain ngayon. Pwede pa po ba ko magdiet while pregnant? Bp ko is normal naman po. Nakakabawas lang talaga ng confidence kasi dati kahit malaman ako e okay naman tingnan. 😭😭😭 Any suggestions po mga mommies.
Ob and health center
May scheduled date na po ako ng checkup next week kay ob. Pero I'm planning din po na magpacheckup sa health center. Ask ko lang po kung ilang months po bago kayo nagstart magpacheckup sa health center?
Just want to know lang po.
If nagpa-ob po ba, need pa din po ba magpacheck up sa health center ng lugar nyo?
Taking folic acid
Nagtake na po ako ng folic acid kahit di pa po ako nagpapacheck up. Kasi if magbebase po sa LMP ko, 2 months na si baby. And sabi ng sister ko e need daw ng folic acid kaya bumili na po ako kasi nakakabili naman pala ng walang reseta and nagtake na ako kasi i feel na parang ilang months na pala si baby pero wala pa ko natetake na supplement. Then inaalagaan ko nalang din sa pag inom ng milk. Is it too late po ba na ngayon lang ako nakapagtake ng folic acid?