first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, you don’t deserve that kind of treatment and hindi din deserve ng lalaking yun maging isang “ama” lalo kung may ganon siyang mindset about you, your pregnancy and the baby. Nakakatakot yan sis. Nakakatakot din para sa magiging anak mo. If ikaw nasasaktan niya, kayang kaya niya din gawin yun sa magiging baby mo. Possible abusive words lang sa ngayon pero later on baka physical abuse na. Save yourself! Are you really married to him? Kasi if hindi pa kayo married, better go separate ways kasi delikado talaga makisama sa ganung klaseng lalaki. Once magka-baby kayo, there’s no turning back. Ganung klaseng lalaki na ang ama ng anak mo. Pero habang wala pa kayong baby, maiiligtas mo pa ang bata sa pagkakaroon ng miserableng buhay. Don’t tolerate that kind of behavior towards you sis. Please lang.

Magbasa pa