...

Hello po fellow moms. Gusto ko lang po marinig opinions nyo if ever kayo po yung nasa sitwasyon ko ngayon. Manganganak kasi ako this coming March 2020 and meron po ako anak na nasa pre school na. Ang panganay ko kasi naka separate saamin kasi walang magbabantay sakanya dito sa bahay ng inlaws ko. Ayaw din kasi sya bantayan ng mother in law ko dahil sa sobrang likot nya. Gusto ko sana na magkasama sila magkapatid sa iisang bahay na kasama kami kaya lang problema ang magbabantay sakanilang dalawa. Kailangan namin maghanap ng dalawang mag aalaga sakanila kahit stay out lang sana. Iniisip ko din ang gagastusin para lang sa magbabantay. Nag iisip na rin ako ngayon na mag resign na lang sa work para ako na lang mag alaga pero naiisip ko rin na sayang yung kikitain ko din. Papa ko lagi ako tinatanong kung final na ba desisyon namin na dun na titira samin ang panganay ko. Gulong gulo ako. Minsan di ko alam ano na gagawin. Gusto ko mag full time mom na lang para matutukan sila pero gusto ko din mag work para din naman sakanila. ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Computin mo ang magagastos sa magbabantay sa bata at sa sahod mo po. Kung mababalewala ang sahod mo dahil lahat mapapapunta lng sa mag aalaga magfull time mom ka nlng tapos mag homebased work ka nlng. O magonline bussiness

5y ago

Ask him again po. Para makasure ka. Kasi mahirap po yung nafifeel mo lng pero walang confirmation. Baka magaway pa kayo hehe 😅