Undecided (Stay at home or Work)

Hi mga mamsh! Hindi ko kasi alam gagawin ko... Kakastart ko lang magwork last March at ngayon gusto ko na magresign kasi wala mag aalaga ng anak ko(4 y/o at 2 y/o). At first, yung husband ko ang nag aalaga, after work nya(6am) sya na nagbabantay pero syempre need pa rin nya matulog naaawa din ako sa kanya. Nagwork ako kasi need ko tulungan husband ko financially, due to debts at gusto na din naming bumukod ng bahay(nakatira kasi kami sa Papa ko). Oo nasa BPO yung asawa ko pero not enough yung sahod kasi nga sa utang, e paano pa kaya yung bills at rent baka magnegative na kami lalo, kung noon breakeven lang. Ngayon, gusto ko na magresign kasi walang mag aalaga, kaso iniisip ko naman paano yung mga bayarin namin. Good provider husband ko, sadyang may utang lang kami. End of March wala na yung account sa company nila, so nakafloating lang sya at hindi bayad. Then etong darating na araw may new account pero problema naman namin mag aalaga, tho, 4 to 5hrs lang ang mag aalaga, at hapon pa. Kaya usually, walang ginagawa that time kase puro laro lang, meryenda ganun. Kaya ngayon, iniisip ko kung sasayangin ko yung work ko ngayon, o magstay at home na lang ako at mag over think kakaisip. Nagtry na ako magbusiness pero dahil food, nahihirapan ako kasi may bata, hindi rin ako crafty na tao tas walang pampuhunan. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Nasa international BPO din ako and hubby ko naman nasa local BPO. Ako wfh tapos sya naman onsite so far ok naman setup namin nagawa pa naman namin kumuha ng yaya. kaya lang for now dahil marami din kaming binabayaran kaya super higpit muna kami sa budget.