Bubukod or Hindi?

Hello po. Buntis po ako ngayon and kasal na. Sa ngayon po nakatira kami sa parents ko. Iniisip ko lang po kung need ba naming bumukod para matuto kami sa buhay or hindi na po yun practical sa ngayon? Di naman po kami magastos magasawa. May work po kami pareho pero stop ako ngayon dahil buntis. Di ko pa po alam kung kailan makakabalik kasi walang magaalaga pag lumabas na si baby. Ang iniisip ko lang din po kasi yung ipangrerent namin and bayad sa water and elec, ibigay nalang namin contri dito sa bahay, magshashare po kami sa expenses. Para at least yung pera sa parents ko po maitutulong and hindi sa ibang tao. Alam ko pong need bumukod dahil mahirap daw makisama pero ang sakin lang po is practical lang. Di narin po pabata parents ko and iniisip kong maleless yung gastos nila at the same time nakikita ko sila and naaalagaan. Paadvice naman po. Thank you.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung sa parents mo wala naman problema sa hubby mo then why not na magstay kayo jan? May iba kasing magulang na gusto talaga na bumukod kayo para matututo, pero pwede naman din na matuto kayo sa sariki niyo kahit hindi nakabukod, gaya namin na mag asawa gustong-gusto namin kaso parents niya ang may ayaw, since onay naman kami dito sakanila naka sharw nalang kami sa electric bill, perp hindi po biro ang bill namin 5k a month and up pa dahil everyday paba ni mama niya, okay naman din kasi mabait sila pero dahil may kanya kanya kaming toka, gaya sa gawain bahay at pagluluto naman, you know, madami tayong matututunan basta ba walang nangingielam mas big savings pa kesa mang-upa po kayo.

Magbasa pa

Asa sayo naman yan momsh if saan ka po magiging kumportable. Ako ngayon andito sa parents ko si hubby OfW. Ang masasabe ko ang hirap makisama lalo may lumalaki kang bata. Lagi at laging mapapakealaman yung pagpapalaki mo sa baby mo. I am also suffering from Post partum depression at nahihirapan ako makisama kahit parents ko pa sila. Iba kase yung expectation ko versus sa actual na nangyayare. Nag eexpect ako ng suporta din kase alam nila na wala naman ako alam sa bata at mahirap mag isa pero parang ang gusto nila mangyare pagsisihan ko na nagkaanak ako. Ang hirap makisama. Di naman ako makaalis kase di nga praktikal at kelangan ko din ng kasama ngayon.

Magbasa pa

Hello sis.to answer your question,for its "Hindi muna bubukod". base sa nashare mo i think its going to be a win win situation. Una nakatulong kana sa parents mo. pangalawa,nakatipid rin kayong magpartner. as long as very comfy naman ang partner mo sa kasama nyo sa house,then its okay. may pandemic ngayon kaya dapat din tayo talaga magtipid and ang ganda din ng reason mo na gusto mo rin makahelp sa finances ng parents mo. kung sa inyong magpartner,okay naman situation sa kung san kayo nakatira ngayon,Okay naman na huwag muna bumukod sis.

Magbasa pa
VIP Member

hello mommy .. muka naman wala kayong prob sa parents mo kahit nanjan kayo. and mas gusto nila yan kc ung apo nila nkikita at syempre pati ikaw. 🤔 uhhmmmmmm, pero tanungin mo rin mommy kung ok lang ba sa asawa mo baka kc mas gusto ng asawa mo may privacy kayo or what .. un lang mommy para if ever maluwag kayo lahat ☺️ baka kc mmya meron palang problema may hindi lang ngsasalita dba? goodluck mommy!!

Magbasa pa
VIP Member

Sa huli it's up to you and your husband pa din. Ako ginusto ko din dati bumukod pero up to now nagpapalipat lipat kami ng house either sa parents ko or sa parents ni hubby. Kami pa lang kasi ang may anak sa mga kapatid namin. So sabik sila sa apo talaga. Gusto ko pa din bumukod pero baka tska na lang. Hirap kasi kumilos lalo na hindi ikaw reyna ng tahanan. Pero mabait naman in-laws ko

Magbasa pa

Kung okay lang naman po sa parents niyo and okay din sa hubby mo na kasama parents mo why not po magstay na lang po muna kayo diyan. May point po kayo, tulong-tulong na lang sa gastusin sa bahay. And may makakatulong ka sa pag-alaga sa baby mo since nandyan mom mo. Tsaka na kayo bumukod pag ready na talaga kayo magsarili.

Magbasa pa
VIP Member

Pag nakabukod ka makikita mo lahat ng gastos niyo. At depende rin kung ok lang sa asawa mo na jan kayo sa parents mo