Advice naman po mga miii

Hindi naman po siguro masamang bumukod mga mi noh? Dati pa kasi gustong gusto na kami ipakasal ng parents ni hubby. Tumira kami sa bahay nila hubby kasi yun ang gusto ng parents niya na andun lang kami sa puder nila. Pero ngayon nabuntis po ako nagpasya po kaming bumukod. Di po ba nakakatampo pra sa parents ni hubby yun mga mi? May part po sakin na naguguilty ako kasi feeling ko nilayo ko anak nila sakanila at sa mga kapatid niya. Mga parents ko naman supportive samin dati pa, never kami tumira ni hubby sa bahay ng parents ko. Sa parents lang ni hubby kami tumira dati. Siya kasi ang panganay at family oriented sila. Nung bumukod kasi kami at buntis ako, medyo may limit na din po ung paglabas ni hubby ksama sila kasi malapit na din po akong manganak at mabilis ako mastress kaya tlagang may times po na di kami sumasama sakanila pag may gala. #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

dapat po tlga nakbukod kayo lalo na magkakababy na kayo para nagagawa nyo lahat ng desisyon nyo. mahirap na Kasi may mga makikialam lalo na sa pagpapalaki ng bata at Kung ano ano pang conflict na pwedeng mangyari

Dapat nman tlga nakabukod ang mag-asawa,kahit kanino ka po magtanong yun padin ang isasagot sa inyo.