Dapat na nga ba bumukod?
Hi mga mommy manghihingi lang ng payo. Dto kami nakatira magasawa and ng baby ko dto sa bahay ng parents ko with my siblings. Kanina nagkasagutan kami ng ate ko kasi gusto niya taasan ko pa yung binibigay ko na share dto sa bahay namin. Gusto niya na pati lunch ng parents ko and groceries sasagutin na dn namin. Which is kasi now kami na nasagot ng dinner ng buong fam namin.Naglalabas kami ng 10k/month dto sa bahay namin. Si ate naman sagot niya kuryente namin which is nasa 10k dn sa kanya. Ngayon ang pinakapoint ko kasi nakaasa lang ako sa asawa ko which is hndi naman responsible ng asawa ko yung family ko kaya nahihiya na ako panay hingi sa asawa ko pero si ate gusto niya pa dagdagan binibigay namin sa bahay kaya yung asawa ko gusto na bumukod na lang kami at mag aabot na lang kela mama. Ngayon dami ko iniisip if dapat na ba kami bumukod kc pag bumukod kami mas mawawalan ng support parent ko and also mas lalo ako hndi makakapagwork dahil tutukan ko si baby and nakikita ko kung gaano kamahal ni mama apo niya kaya sigurado ako malulungkot soya pag nilayo ko si baby. May payo po ba kayo?
A mother of a beautiful fairy