βœ•

77 Replies

Ang baby ko din po pinanganak ko 2.7kg lang siya. ganun din sakin sabi ng OB ko, ok lang daw yung weight niya nung nasa tyan ko po sya ksi payat din po ako, di ako namanas nung buntis ako kaya ok alang daw po yun. tapos pagkapanganak ko, formula milk bnigay sknya (similac) pero nagpapabreast feed din ako, pinapaubos ko lang yung formula, aftr 2 weeks 3.3kg na timbang nya, then nagstart na din ako mag pure breastfeed kasi nainspire ako na bumibigat nga sya. mag onemonth palang sya this oct. same tyo di naman kagad sya nataba, yes dumodoble ang chin nya. wag kna magaalala mommy at wag mo pansinin ang mga puna nila. as long as di sakitin ang baby mo, at alam mong bnbgay mo ang tama sknya dont doubt and feel na prang fault mo ksi mapayat sya. wait klng mgging chubby baby din ang baby mo

thankyouuu mamsh πŸ˜”β™₯️

If breasfeed ka mommh I suggest na you NEED TO EAT HEALTY FOODS,VITAMINS,MILK AT STRESS FREE hanggang maari. Hnd po porket Breasfeed automatic mataba na,hnd po kasi pwd na puro pampalakas lang ng gatas ang iinom mo dapat pati kinakaen healthy po. Ang baby ko 2.7kgs lang pero everymonth nag gagained sya ng 1.5kgs. And pls considered din po ung output like wiwi and tae saka pawis. Ang formula milk po kasi mataas sa sugar kaya nakakataba sa babies. Search po kayo ng foods for breastfeeding mommy.

1 month pa lang naman po si baby, tataba at lalaki pa yan. ☺️ Napagsabihan din ako ng sister in law ko, kinukumpara nya yung baby picture ng asawa ko na mataba daw talaga yun tapos ano ano na lumalabas sa bibig nya na yung baby ko sobrang liit daw. Eh 5months + na yung asawa ko sa picture na yun tapos wala pang 1month baby ko nun. Pero ngayon 3months na po lo ko. And malusog naman sya at umaangat ang timbang, well baby naman palagi remarks ng pedia nya kada bisita namin sa clinic πŸ’™

same sakin mommy.. nung pinanganak baby ko sa sobrang payat eh kulubot p ang balat nya n prang wala tlgang laman.. iba iba po ang baby.. may baby n mtaba pero mgaan.. kya hindi po porke't payat ang baby eh hindi n healthy.. ngaun po mas malaki n sakin ang anak ko.. haha.. at mas na-realized ko n mas mganda p rn ang payat na siksik kesa sa mtaba kc prone sila sa obesity.. kya ok lng yan mommy.. magka2laman at magka2laman dn si baby.. ang payat kc mas mbilis ang metabolism.. ☺️

thankyouu mamsh. πŸ˜”

same tayo mamsh. Hindi mataba si baby pero ang haba nya. Mag-2mos pa lang baby ko sa Nov.3. basta di sakitin and naggain naman ng weight. Baby ko 5.1kg na sya now and lalo pa humahaba 😁🀭Walang nagsasabing payat sya kc pagkakita pa lang sakanya ung haba na nya ang napapansin. Pati nung mineasure sya before turukan ng vaccine, ung haba nya ang napansin 😁 pabayaan mo ang mga taong walang ginawa kundi mamuna. mastress ka lang kung papansinin mo sila.

Same tayo mamsh. Yung baby ko lumabas siya eh 2.25kls lang madami din nagsasabi na sobrang liit daw parang bote lang daw ng coke yung sukat ni baby. Minsan maiinis ka talaga pero di na lang namin pinansin basta nasa isip namin eh lalaki din naman si baby kaya mamsh from 2.25kls noon, ngayon 5.1kls na si baby at 2months na din siya. S26 gold gatas niya, masakit sa bulsa pero worth it naman pag nakikita mo anak mo na nagiimprove.

mix feed baby ko. bonna lang din gatas nya yun lang afford πŸ˜…

Mas maliit pa si lo ko momsh. Gdm kase ako ayon sumobra sa diet. 2.2 lang si lo ko nung lumabas. Bago mag 1 month naging 3 kgs. Pure breastfeed ako nung una. Nung pangalawang buwan pumayat sya at gumaan yun pala komunti supply ng milk ko at hindi na enough kay lo kaya napilitan akong imix na sya nung nag 3 months. 4.1 lang tuloy sya nung nag 3 1/2 month sya. Kung fm nman si lo mabilis lang yan tataba.

baby ko naman inanak ko ng 2.8kg lang, siguro nagstart sya tumaba ng bongga around 2mos then sunod sunod na. pure breasfed kaya unlilatch hanggang sumuko. ang bochog nya nun πŸ˜‚ mag 1yo na si baby in a few days, sa sobrang likot, kahit malakas kumain at dumede, di na sya ganun ka bochog pero 10kg sya. pasok na pasok sa ideal weight ng 1yo. πŸ€— keber lang yan mi, antayin mo glowup ni baby mo 🫢🏼

mas malala diyan mga sinasabi sa baby ko dati! kesho para daw daga, butiki sa sobrang payat maski asawa ko inaasar din niya sarili niyang anak. sila pa nagsasabi ah! sobrang nakakabwiset and it really hurts nadin!!!😏 pero ngayon ang laki na ng pinagbago ng baby ko, 4mos na siya padede lang ako ng padede❀️ kung breastfeeding ka mommy, padedein mo lang siya ng padedein.πŸ˜ŠπŸ˜‡

ayun nga din sinasabi sa anak ko mamsh. mismong lolo lola pa nya na mukhang daga daw sa sobrang liit.

okay lang po yan.. 1month pa lang naman po sya, lalaki pa po sya.. ako din yung baby ko 2kg lang sya nung nilabas ko, pero unti unti , habang tumatanda sya nadadagdagan din timbang nya at ang mahalaga mommy healthy si baby kasi di lang naman yan sa physical malalaman kung healthy si baby, kung angkop naman ang weight nya at malakas naman sya dumede no need to worry :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles