Ano po mostly Tinatanong tuwing nagpapa check up?

Hello po ask ko po Sana Kung ano madalas na Tinatanong ng Isang OB tuwing magpapa check up? Kase nagpapa check up ako private ,every check up nagbabayad kami ng 1200 , pero Yung conversation namin is Wala pang 5 mins. ItaTrans V lang ako then reseta and done . #advicepls #pleasehelp

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang sakin po umaabot ng 30 minutes ang checkup ko sa OB ko. Nung unang checkup palang namin binigay niya yung personal mobile number niya para kung magka bleeding or makaramdam ako ng pain, maiinform ko agad siya, kaya kapag checkup namin, una niyang tinatanong kung anong nangyari sakin during the past weeks kung may mga naramdaman ba ko na hindi ko nasabi sa kaniya via text. Then, tinatanong niya kung ano yung mga nireseta niya sakin and what time ko iniinom, para macheck niya kung talaga bang natetake ko yung mga gamot and vitamins ng tamang oras. Nag tatanong din siya kung kamusta na yung pag aasikaso ko ng SSS maternity benefits ko, kung hindi ba ko na-oover work at nasstress sa trabaho. Nireremind din niya ko na wag masyado tumayo ng matagal at maggalawa galaw, since twice na ko muntik makunan sa pregnancy ko ngayon. Dinidiscuss din niya kung kelan ang susunod na checkup and ultrasound, kung anong tests ang gagawin sa mga darating na buwan. If you don't feel comfortable sa OB mo, better na maghanap ka na ng ibang OB. remember, you'll be spending 9 months with your OB, and may buhay kang dinadala, mas magandang may care sa'yo at sa baby, and someone na comfortable ka kausapin at matanungan ng concerns mo.

Magbasa pa
3y ago

SM My Health po sa SM North EDSA.

Normally, pagpasok ko plng babati na kami sa isat isa then ichechecck niya papers ko. Magtatanong na kaagad yan ng kumusta pakiramdam ko, malikot ba si baby, nagkaroon ba ako ng lagnat, sipon or ubo, may pagdurugo ba kahit konti. Ireremind niya ako kung ilang weeks na ako at kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin. At dahil pandemic, nireremind niya rin ako na lumabas lang ng bahay kapag kailangan talaga. Tapos ichecheck niya yung heartbeat ni baby. Bibigyan niya ako ng need kong lab or mga dapat kong bilhin. Momshie importante po na nakakausap nio ng maayos ang ob nio para makapagtanong kayo sa lahat ng gusto niong itanong lalo na at ftm ka. Sa last ob ko sa bunso ko umaabot ang check-up ko ng 20mins maximum na yung 30mins siguro depende sa dami ng concerns ko. I suggest na kung hindi ka comfortable sa ob mo pwede ka naman maghanap ng ibang ob.☺️

Magbasa pa

Close kami ng OB ko, 2018 pa kasi nung naging OB ko siya dahil sa PCOS, every check up, monitor ang BP, timbang, heartbeat ni baby then pinapakitaan niya ako ng chart kung gano na kalaki and kalikot si baby sa tummy ko, ineexplain niya lahat.. Monitor niya kami na lalo na kaming mga PCOS patient niya kasi malaki daw ang chances ng miscarriage tsaka lalo na sakin maselan ako magbuntis, every now and then tatawag o magtetext siya nangangamusta.. 1500 yung binabayaran ko kasama na lahat ng gamot na binibigay niya good for 1month. Mag ask din tayo ng questions or magsabi ka ng mga kakaibang nararamdaman kung meron man mommy para mas maging comfortable kayo sa isa't isa.

Magbasa pa
3y ago

Tarlac po ako. Maacariña Clinic

Ang mahal naman. 500 lng sakin every check up. Nung 1st tri ko. More on usap lang kami kung may mga nararamdaman daw ba ko na iba. Good thing din kasi at di ako maselan. Nung pumasok nko ng 2nd tri, chinicheck na niya yung heartbeat ni baby every check up. Pero dapat chinicheck nila yung bp and timbang mo bawat punta mo sa kanila para mamonitor ka. You can ask anything din. Pero kung di ka komportable hanap ka ng ibang OB habang maaga pa. Mas okay kasi kung mag stick ka sa isang OB hanggang manganak ka para preho kayo ni OB na di mahirapan.

Magbasa pa
3y ago

Dr. Remigio po

masyadong mahal ang 1200 para sa checkup,sakin 600 po bayad everycheckup ko 300 cover ng card ko 300 cash.every checkup po minomonitor ang bp,timbang,oxygen level tsaka heartbeat ni baby tatanongin ka din kung kumusta ka kung may masakit sayo ano mga nararamdaman mo.dati hindi ako komportable sa OB ko kaya lumipat kami ng OB ngayon okay na ko sa OB ko mabait sya.habang ma aga pa po hanap agad kayo ibang OB dapat yung komportable ka nasasabi mo lahat at natatanong mo lahat ng gusto mo itanong.😊

Magbasa pa
3y ago

clinic ng ano po ba?clinic ng doctor ko?

TapFluencer

Yung OB ko every check up. Checking ng hearbeat,temp,BP, Oxigen level, Ineexplain ng maayos kahit yung sa para saan yung ganito ganyan sa utz. Tinuturuan nya rin ako paano gagawin habang nasa loob pa si baby for ex. magpatugtog daw ng mozart tuwing active si baby. Mga ganon, tsaka super approachable sya ichat via viber. Di suplada cons lang ang bilis at ang hina magsalita pero sulit na sulit sa halagang Php 600 pesos.

Magbasa pa
3y ago

Fetal dopler po

hanap ka nlng po ibang O B kasi po dapat comfortable tayo sa ob natin.. and u can ask everything sa ka nila.. every vst ko po sa ob ko she will chck the heartbeat nang baby, bp, timbang ko ug sukat nang tiyan ko.. and mag ask sya may kakaiba ba akong naramdaman.. halos aabot po kame mga 30mins every time vst kame sa clinic nya... 500 pesos lng ang pay nya

Magbasa pa

Masyado nmang mahal, to think na wala pang 5 mins tapos na kayo sa check up. Saken kasi 500 yung binabayaran ko, kasama na check up, check kay baby ( heartbeat nya, kung malikot ba sya sa tummy ko, mga ganun) tapos conversation kay OB ( like mag ask sya kung nanakit ba si ganito, si ganyan, kamustahin ka nya for the past month) tapos reseta ng vitamins

Magbasa pa

same. mas gusto ko pang mag assist yung midwife kaysa sa OB. yung OB dun sa pinagpapa-check up-an ko, tinimbang at chineck lang paghinga ko P600 na agad bayad sa kanya. wala pang 2mins. Tapos sabi nya need ko ferrous at amoxicillin kasi may UTI ako that time. binigyan nya ko ng gamot worth P15/pc pero ayun yung gamot na libre lang sa barangay.

Magbasa pa

Normally saken, inaask lang if meron ako pain nararamdaman, then if nararamdaman ko na ung movement ng baby tapos nag iinitiate dn ako ng questions, tapos ichcheck rn every check up kung good ung heartbeat ni baby then schedule ng next check up.. Mejo tahimik dn ung OB ko pero i started to know her and mejo nagiging comfortable dn ako sknya..

Magbasa pa