Ang sakin po umaabot ng 30 minutes ang checkup ko sa OB ko. Nung unang checkup palang namin binigay niya yung personal mobile number niya para kung magka bleeding or makaramdam ako ng pain, maiinform ko agad siya, kaya kapag checkup namin, una niyang tinatanong kung anong nangyari sakin during the past weeks kung may mga naramdaman ba ko na hindi ko nasabi sa kaniya via text. Then, tinatanong niya kung ano yung mga nireseta niya sakin and what time ko iniinom, para macheck niya kung talaga bang natetake ko yung mga gamot and vitamins ng tamang oras. Nag tatanong din siya kung kamusta na yung pag aasikaso ko ng SSS maternity benefits ko, kung hindi ba ko na-oover work at nasstress sa trabaho. Nireremind din niya ko na wag masyado tumayo ng matagal at maggalawa galaw, since twice na ko muntik makunan sa pregnancy ko ngayon. Dinidiscuss din niya kung kelan ang susunod na checkup and ultrasound, kung anong tests ang gagawin sa mga darating na buwan.
If you don't feel comfortable sa OB mo, better na maghanap ka na ng ibang OB. remember, you'll be spending 9 months with your OB, and may buhay kang dinadala, mas magandang may care sa'yo at sa baby, and someone na comfortable ka kausapin at matanungan ng concerns mo.
Magbasa pa