Pregnancy, 6months post CS

Hello po, ask ko lang po meron po ba dito same case ko, after cs nabuntis agad? Kamusta po experience nyo? πŸ˜“ 6months post cs po ko and pregnant ulit. Namatay po first baby ko due to CHD. ☹️ Bukod sa CS scar, iniisip ko din baka may maging prob nanaman baby ko. ☹️ Penge naman pong tips sa mga naka experience nang mabuntis agad after cs. #Respectpostpls.

Pregnancy, 6months post CS
18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako din sis stillbirth din si baby ko cord coil, 37weeks cs ako tas after 11 months nabuntis ako, pinagalitan nga ako nong una ni ob hehe ksi pinaka safe na tuyo na ang tahi sa uterus naten is atleast 2 years sana bago masundan kaso wala eh we badly want another baby sobrang lungkot kasi nawala samen baby namin. Proper prenatal check up lang palage kay ob tapos sunod lang lage sa mga payo nya saka vits and utz. Makakaya naten to β™₯️

Magbasa pa
VIP Member

Consult agad kay OB mamshie para mabigyan ka ng proper treatment lalo na po may naging history na kau before na di magandaπŸ˜” kahit sino matatakot talaga kung ako din nasa situation mo. Pray lang mamshieβ€οΈπŸ™πŸ»

2y ago

need lang pray at tiwala then always checkup sa ob para safe. ako hindi ako cs pero nawalan ako ng baby nung 2020 mag 7months ko nilabas ung baby ko narinig kong umiyak at buhay na buhay kinagabihan hindi nyana kinaya, kaya nasa heaven nasya. then now preggy ako 6weeks di parin mawala ang pagka worries kaya pray talaga at checkup then bedrest need lang magingatπŸ’™πŸ’™

Mommy CDH?congenital diaphramatic hernia ba yan?same case ng baby ko..kinuha din sya skn..angel na sya..after a year naman aq nabuntis..yan din ang worry q ngaun paano kung ganun nanaman

2y ago

CHD po, congenital heart disease. Hypoplastic left heart disease po yung sa baby ko. ☹️

Ako sis 1yr and 3months si baby nalaman kong preggy nako. Kinakabahan pero tatagan lang talaga loob at paalaga sa Ob. Nakapagpaultrasound nako ok naman si baby. Pray lang...! ❀️

Ganyan din po ang case ko, Positive po ako sa Pt. mag 4months post Cs po ako pero delay ako last May and then nagkaroon ako ngayong month pero di ko alam if regla ba or spotting.

3y ago

di pa po kyo nagpa check up mamsh?

ako din sis 6months palang c baby ko din CS ako nabuntis na ako mga 2weeks na nagulat ob ko pero ok nman n daw sugat ko

Ako 1year bago mabuntis. Cs din ako. Alam ko momshiee delikado pa yan kasi fresh pa tahi mo sa loob.

Hi, same case po tayo. Kamusta na po kayo? 10weeks preggy na din po ako and last year april nanganak

2y ago

hi po, nanganak na po ako ulit last December 2021, preterm po si baby at 35 weeks pero okay naman po. ☺️

Hi! Follow mo si Doc Bev sa fb, masasagot yung tanong mo. Search ka lang sa page nya 😊

hi mommy, kumusta ka po? wala ka bang nararamdaman na masakit kc fresh pa po tahi mo...

Related Articles