Bawal po ba talaga?

Hi po ask ko lang po kung pwede ba uminom ng Calcium carbonate (Calcimate) ang may konting Uti? Sabi kasi sakin ng midwife sa lying kaya di daw nya ako niresitahan ng calcium dahil di pa dw clear yong ihi ko may konting uti pa baka dw maging bato. Pero nong nagpacheck up naman ako sa ospital binigyan nila ako ng vitamins na calcium then sinabe ko na may konting uti ako para alam din nila kasi di naman nila binasa yung result ng urinalysis ko. Tapos sinabe lang sakin wag ko daw sundin yung sinabe ng midwife, sila na dw sundin ko kasi sa kanila na ko nagpapa check up. Naguguluhan po ako mga momsh natatakot din po kasi ako magkasakit sa bato if ever na ituloy ko tong inumin. Sino po jan sa inyo may uti pero umiinom parin ng calcium carbonate?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung nanay ko hndi daw siya umiinom ng calcium kasi bawal daw at sumasakit daw yung tagiliran sa puson niya. Ako naman, nagka uti ako pero hndi naman malala pero niprescribed ako ni ob ng calcium. Wala naman sakin sumasakit.