Need advice po please!

Hi po ask ko lang po if safe po ba na ipahilot ang baby. Mag 3 months na po sya ngayong feb. 24. sabi po kasi ng mama ko baka may pilay daw po si baby. netong mga naka raang arraw until now umuubo po kasi si baby pero minsan lang tapos may lumalabas din na sipon. so iniisip ko baka may ubo si baby naka nahawa sakin kasi nag ka ubo at sipon ako. so pina check up po namin sa sa pedia nya kahapon nung andun kami sabi naman ng pedia nya eh wala naman daw po syang sakit normal lahat sakanya. since di naman sya hirap huminga tapos mahimbing naman tulog nya sa gabi. pinapakita pa sakin ng pedia nya yung klase ng ubo at pag wala pa daw 3 mins eh naubo na si baby dapat dalhin na ulit sakanya. sabi sakin ng pedia nya very healthy daw si baby since breastfeed daw sya. kaya lang pag nasa bahay kami umuubo sya pa minsan minsan parang nasasamid na ewan. eh di po mapalagay mama ko, sabi ko sakanya normal lang naman daw mga pinapakita ni baby sabi ni pedia. pero gusto nya padin ipahilot si baby. pwede po ba sya ipahilot? natatakot din po kasi ko baka lalo maka sama kay baby. salamat po sa mag reresponse. #firstbaby #1stimemom #advicepls #pleasehelp

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka po nasasamid lang sa laway. Since napacheck up nyo na po sya, better po follow na lang po kay Pedia. As per my experience, never ko po pinahilot yung babies ko (2yrs old and 4months old) kasi po baka mas makasama sa kanila yung hilot.