EPIDURIAL/PAINLESS DELIVERY
Hi po, ask ko lang if meron dito na nag epidurial? Gusto ko po sana mag painless eh, ano po ba mararamdaman? Masakit po ba or wala ng sakit? Sana may makasagot, sa June na kasi EDD ko. Salamat 😊#advicepls
1st baby ko naka epidural anaesthesia po ako sa St. lukes kht normal delivery papabend ka nla para maturok sa likod mo yung anesthesia, after non manhid na yung kalahati ng katawan mo pababa. kht labor dimo mararamdaman , ang msakit dun yung turok sa likod. depend dn po ata yun sa dose ng anesthesia ilalagay sayo e ksi ung akin , nilalagyn nla ako after 3hrs ata sa pgkakaalala ko. naramdaman ko dn lumabas si baby pero di masakit
Magbasa pasa panganay ko painless ako, totally wala naramdaman pain kahit labor, pag gising ko nasa labas na si baby. siguro sa timing yan ng pag lagay ng gamot kaya need mo mag decide agad before giving birth para ready. Kapag kasi sabay sabay asikaso ng mga doktor kahit di pa tumatalab ang gamot gagawin na nila, katulad sa pangalawa ko tinahi na nila ako kahit ramdam ko pa kasi may manganganak na na iba pasyente 😶
Magbasa paNag epidural ako sa second baby ko. Around 6cm nung nag administer sila ng epi sakin,grabe pa rin pain ko compared dun sa panganay ko na di naman ako nag epi. Not sure if it’s because girl panganay ko and boy si second kaya mas masakit (mas masakit daw kasi pag lalake😅) or ewan ba. Parang di ko nafeel yung “painless”😂.
Magbasa paKaya nga mi,parang mejo nag dull lang yung pain pero damang dama ko pa rin. Nag intensify pa kamo after mahulas yung anes. Talagang namimilipit ako sa hospital bed ko. Bugbog talaga katawan ko. Traumatic experience.
maganda naman yan kaso manhid buong katawan mo. di ko nga ramdam na lumabas na si bb. hanggang tinatahi na ako di ko ramdam nakikipagtsismisan pa ako kay doc 😅 kaso may effect yan like saken naging makakalimutin na ako 🙄
Yieeee, nakaka excite! ❤️ Pero dati nako makalimutin mii so basic nalang yan. 😂
Sabi po sakin ng mga nagpaEpi, rmadam pa dn nmna daw pero less lang ung pain. Masakit daw ung pinakatusok sa spine. Then ung mismong contractions during labor is super less compared pag wala.
ramdam pa dn nman daw kahit magpa epi ka. hindi daw sya totally pain free.
Hi mommy yes pg epidural may konti pain p rin. Reason ni ib pra mka pag push k kht papano.. u can talk to your ob pero ang epidural is tinutusok lng pg 4-6 cm k..
Salamat mii at least may idea nako. ☺️
Nagpa epidural ako sa first baby ko hindi po masakit.. pag eri mo hindi mo ramdam kaya kailangan mo sabayan ang bilang para ma push mo si baby.
Ganun po ba? Mukhang worth it naman, sana same experience din po ako sayo. Kinakabahan kasi ako. 😢Salamat po. ❤️
Up! Ako rin. Option ko to. Hahaha pero naiintriga rin ako sa waterbirth
Base sa mga nabasa ko mii, mafefeel mo parin yong pain sa waterbirth. Hehe
Gusto ko rin malaman plan ko din to aug edd ko ❤️
Up natin to Mi. Gusto ko din malaman.
Salamat mii. Sana may sumagot. 😊
Domestic diva of 1 superhero magician