pregnant

Hi po. 19 years old lang po ako at buntis po ako week 7 na po. Kaso hindi ko po masabi sa parents ko kasi sobrang strict nila baka masaktan nila ako kaya natatakot po ako or papalayasin sinabi na po kasi sakin nila before. Yung lolo ko naman po na nagpapaaral sakin madidisappoint po kas po sya nagbabayad ng tuituion ko nag eexpect po yun sakin, lahat sila sakin. 1st year college po ako. Sobrang hirap po na madaming iniisip tapos yung bf ko po siniseen lang ako pag sinasabi ko po yung about sa baby. Hirap na hirap po ako. Need ko po advice :((((

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabihin mo na hangga't maaga kasi malalaman at malalaman din naman nila yan, pinoprolong mo lang yung agony mo. Imbis na nakakapagpacheckup ka na ng maayos eh tinatago mo pa. Manindigan ka, face the consequences. It's not the end of the world naman. Madedelay ka lang pero makakapagtapos ka naman ng pagaaral if gugustuhin mo. Magagalit sila sa umpisa and mapapagalitan ka, tanggapin mo lang lahat kasi masakit din naman sa part nila yon but trust me in time matatanggap and baka mas excited pa sila kay baby pag nagtagal. Grow a pair, magiging mommy ka na so mas tatagan mo loob mo. Face the consequences and redeem yourself. Pakita mo na kakayanin mo. Anyway, goodluck and Godbless 🙏 P. S. Regarding sa tatay ng baby mo. Hayaan mo siya. Wag mong habulin kung ayaw. Masstress ka lang. Ipakita mo sakanya na hindi niyo siya kailangan. Kaya mo yan.

Magbasa pa