pregnant

Hi po. 19 years old lang po ako at buntis po ako week 7 na po. Kaso hindi ko po masabi sa parents ko kasi sobrang strict nila baka masaktan nila ako kaya natatakot po ako or papalayasin sinabi na po kasi sakin nila before. Yung lolo ko naman po na nagpapaaral sakin madidisappoint po kas po sya nagbabayad ng tuituion ko nag eexpect po yun sakin, lahat sila sakin. 1st year college po ako. Sobrang hirap po na madaming iniisip tapos yung bf ko po siniseen lang ako pag sinasabi ko po yung about sa baby. Hirap na hirap po ako. Need ko po advice :((((

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako be. 21yrs. Old kakagraduate ko lang ng college nung JUNE pero nabuntis agad ako ng bf ko. 2Β½months ko d sinabi sa parents ko. Na buntis ako. Nag amin lang ako ay pa 3months na. Oo nadissapoint sila kasi inaasahan din nila ako na makkabawi ako sa knila sa itulong sakin sa pag aaral pero ilang week lang OK na kmi ng mga parents and relatives ko. Basta susuporthan ka ng ttay ng dinadala mo. Kasi andyn n yan ginusto nio yan. Panindigan nalang. Basta kayanin lang. Ako 6months pregnant na still working padin pati BF ko. Nagtratrabaho at nag aaral pa. Kinakaya namin kasi pag subok nmin to sa buhay. Namin. Suggest ko lang umamin. Kana. Para bawas stress din kung pinalalayas ka man panindigan mo n kaya mo. Kasi once na nailabas mo n yang baby mo. Hahanap hanapin ka nila. PERO JUST ALWAYS PRAY SI LORD LANG MAKAKATULONG sayo. Ako yan lang ginawa ko bago ako umamin. Hindi lang ikaw nagkaganyan be may mas bata pa pero tinanggap din sila. Kaya tatanggapin kadin ng parents mo.

Magbasa pa

Mas kailangan mo sabihin sa parents mo yan 😊 19 din ako nung nabuntis pero tinuloy ko pagaaral ko kahit buntiS. Limang buwan bago ako nagsabi , Pitong buwan kong Sinikap pumasok ng school para dun man lang mapawi ng kahit papano ung nagawa ko. Matatanggap ka ng magulang mo at yang baby mo promise 😊 Ang mama ko at papa ko halos bugbugin ako lagi noon kasi sobrang gala ko kasi takot sila mabuntis ako pero ngayon sila pa mas excited sakin at sa baby ko 😊 Mamahalin nila yan ng sobra , Di hadlang ang maagang nabuntis mamsh kaya go for it tell your parents na . Mahirap magbuntis ng Palihim , Been there. Godbless sayo and sa bby mo Keep yourself and body healthy . WE ALL KNOW KAYANG KAYA MO YAN SABIHIN DASAL LANG πŸ’– ps. 37 weeks at lahat ng pamilya ko naeexcite at naghihintay na sa pagdating ng blessing namin lalo na magulang ko kada araw check if ano na lagay ko taranta kasi malapit na lumabas si baby 😊 Makakaraos din tayo! ikaw sa problema mo .

Magbasa pa

Sabihin mo na hangga't maaga kasi malalaman at malalaman din naman nila yan, pinoprolong mo lang yung agony mo. Imbis na nakakapagpacheckup ka na ng maayos eh tinatago mo pa. Manindigan ka, face the consequences. It's not the end of the world naman. Madedelay ka lang pero makakapagtapos ka naman ng pagaaral if gugustuhin mo. Magagalit sila sa umpisa and mapapagalitan ka, tanggapin mo lang lahat kasi masakit din naman sa part nila yon but trust me in time matatanggap and baka mas excited pa sila kay baby pag nagtagal. Grow a pair, magiging mommy ka na so mas tatagan mo loob mo. Face the consequences and redeem yourself. Pakita mo na kakayanin mo. Anyway, goodluck and Godbless πŸ™ P. S. Regarding sa tatay ng baby mo. Hayaan mo siya. Wag mong habulin kung ayaw. Masstress ka lang. Ipakita mo sakanya na hindi niyo siya kailangan. Kaya mo yan.

Magbasa pa

19 years old din ako nabuntis noon. At kagaya mo, mataas expectation nila sakin. kase panganay ako. Nasa college na ko nun 3rd yr college. Private university pa. Yung tatay ko todo kayod mapaaral lang ako. Seaman sya pero di sapat yung sahod sa tuition ko kase nursing kinuha ko. 2 lang kami magkapatid. 10.y.o pa. Talagang grabe ang stress ko noon. Nung nalaman nila. Syempre nagalit sila. Di maiiwasan. Pero lilipas din yan apgdating ng mga araw. Ngayon 2 y.o na baby ko tuwang tuwa sila hehehe. 17 weeks preggy na rin ako ngayon. Graduate na rin. Nakabangon din sa tulong nila..

Magbasa pa

Alam mo magkapareha tayo 18 ako nun nung nalaman kung buntis ako then tinago ko ng mahigit 3 months but na hahalata na nila na lagi akong tulog pag galing sa school tapos nung pinaalam ko na hindi naman sila na galit kasi nandito na daw to wala na silang magagawa ang tanging ginawa nila sinusoportahan na lang ako dahil ung tatay nya tumakbo na hindi na nag paparamdam ngayon btw im 19 na ngayon and 24 weeks and 1 day na akong pregnant sis kung ako syo sabihin mo na sa parent mo para sa inyo rin naman yan ng baby mo e wag mo isipin ung galit nila .

Magbasa pa
5y ago

Ganyan din tatay nya gusto ipa abort pero hindi ako pumayag kasi malaking kasalanan ung haharapin ko kapag ginawa ko un mas ok n ung mahihirapan ako atleast may kapalit nmn na maganda kaya ngayon hindi ko na sya na cocontract at wala na rin me paki sa kanya.

19 din ako nung mabuntis ako sa panganay ko. Ganyan din Ang pakiramdam ko nun. May mga close akong pinsan dun ko naopen muna, kelangan kasi talaga may makakausap kang makakaintindi sayo. Eventually sinabi din namin sa parents ko kasi d mo maitatago ang pagbubuntis. Kung walang support ng father ng baby mo, believe me d ka matitiis ng parents mo f magopen ka sakanila. Ang importante ang baby mo. I prove mo sa parents mo na f madis appoint man sila ngayon sayo bilang anak, you can be a good mother to your child.

Magbasa pa

I know the feeling huhuhu. Pinagkaiba lang natin kaka graduate ko lang. Sobrang nakakatakot talaga magsabi sa una. Pero alam mo hindi nagalit magulang ko sakin at hindi rin nila ko jinudge. Ang sobrang galit sakin eh yung ate ko na akala mo sya nagpalaki sakin hehe galing dba. Pero ngayon nakaraos na ako kaya ikaw sabihin mo na magagalit talaga sa una pero di tau maitiis ng magulang ntin kaso mahirap magkaroon ng baby ang aga responsibilidad nyan at madaming sakripisyo.

Magbasa pa

Mas ok kung aamin ka na sa parents mo sis if sineseen ka lang ni bf mo aba iba usapan na siguro yan ang lalakeng sincere kasama mo sa mga pagsubok mo ngayon. Ang magulang ang unang makakaintindi satin ,ang magulang ang unang tatangap satin Walang magulang matitiis ang kanilang anak. pag nasabi mo yan sa magulang mo masarap sa feeling . Advice ko lang po malalagpasan mo yan dumaan din ako diyan sisssy pero naniwala ako na una sila makakatangap sayo

Magbasa pa

Ang pamilya sis..hindi ka nila pababayaan..ano man anv masabi nila sayo..tanggapin mo dahil dala ng sama ng loob nila..at results ng ndi mo pagiingat..dyan sa kalagayan mo matitimbang mo..sinong ndi nangiwan..now palang ndi ka na pinapansin ni bf mo..sa ngayon maging malakas ka..dumalangin na malampassn mo iyan..pero wag na wag mo yan iabort..blessing yan..hindi hadlang ang pgbuntis sa makatPos ng pag aaral! Pray for peace of mind! KYa mo yan sis!

Magbasa pa

natural lng na reaction ng parents na magalit mamsh... pero hndi ibig zbhn itatakwil kna... lalo na pag nakita na nila ung apo nila... cnzb ko sayo mas mahal nila ang anak mo kesa sayo πŸ˜… kya zbhn u na lng pra magabayan ka kc mstress ka msma z baby, zka hayaan u na yan jowa mo... mas mgnda nga di kau nagkatuluyan at kinasal salbahe xa... madami kpa makkita na tatanggapin anak mo...focus kna muna z baby mo, mggng ok din lahat 😊 congrats

Magbasa pa